Advertisements

Tapos na ang boksing!

Pumasa na ang RH bill noong Miyerkoles ng gabi tapos ng pagkatengga sa Kongreso ng 14 na taon. Pirma nalang ni PNoy, batas na ito.

Ang dalawang Senador na di-umatras sa kapangyarihan ng simnahan

Ang dalawang Senador na di-bumigay sa
kapangyarihan ng simbahan

Ang 5 senador na bumoto laban sa panukala: Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Gringo Honasan, Koko Pimentel at Tito Sotto.

Ang 11 botong sang-ayon naman ay galing kina Alan Cayetano, Pia Cayetano, Joker Arroyo, Edgardo Angara, Franklin Drilon, Miriam Defensor-Santiago, TG Guingona, Bongbong Marcos, Sergio Osmena III, Loren Legarda at Panfilo Lacson.

Narito ang ilang nilalaman ng panukala:

1.) Kailangan ng pahintulot ng mga magulang bago ang mga menor de edad ay mabibigyan ng contraceptives o iba pang serbisyong RH – maliban na lang kung sila ay buntis, nanganak na o nakunan;

2.) Ang pagdulot ng serbisyong RH ay responsibilidad ng lokal at nasyonal na pamahalaan;

3.) Ang maghandog ng sex education sa mga private school ay nasa disposisyon na ng bawat paaralan;

4.) Ang maghandog ng mga serbisyong RH ay nasa disposisyon na ng mga private health institution

Hindi umubra ang kasikatan ni Pacman

Hindi umubra ang kasikatan ni Pacman

••••••••••••••••••••••

Humirit naman si Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar V. Cruz na may gulong dala ang pagkapasa ng RH bill.

Sabi niya: “Maraming mga Catholic organizations at associations, mga Catholic medical society at legal society ang nagparamdam sa atin na igigiit talaga nila ang civil disobedience oras na maisabatas ang RH bill. Sinasabi nila na hindi talaga nila malulunok ang RH bill oras na maging batas.”

Mga walang matres - pinakamatinding tumututol!

Mga walang matres – pinakamatinding tumututol!

Nakapagtataka: ang mga walang matres at hindi kailanman mararanasan ang manganak ang pinakamatinding tumututol sa panukala.

••••••••••••••••••••••

Hula who. Sino itong kandidato sa pagka-senador na gumastos na ng P311 million para sa TV ads mula Enero hanggang Nobyembre 2012?

question_mark_orange

••••••••••••••••••••••

Laking sakripisyo ng higit sa 40 mga Fil-Am na miyembro ng Filipino American Symphony Orchestra sa Los AngelesTanging pakay nitong mga musikerong Fil-Am ay ang maipakilala ang tugtuging Pilipino sa bagong henerasyon ng mga kababayan nating sa Amerika na pinanganak at lumaki.

Dedikasyon kahit gutom - suportahan natin ang FASO!

Dedikasyon kahit gutom – suportahan natin ang FASO!

Puspusan ang ensayo at paglabas ng mga musikero – gamit ang sarili nilang pera sa mga gastusin.

Mabuhay kayo FASO at ang inyong punong musikero – si Bob Shroeder!

••••••••••••••••••••••

Huling hirit: Quiapo, Quiapo. Tinanggal na ng Office of the United States Trade Representative (USTR) ang distrito ng Quiapo mula sa Notorious Markets List nito. Ibig sabihin, nalinis na ang lugar at naalis na ng mga kontrabando tulad ng mga piniratang dibidi at pekeng mga designer bags.

Ang natira nalang ung tunay – tunay na chicharong bulakalak at hopia.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: