EPALepsy laganap!

Pati ang pagkatalo ni Manny Pacquiao kay Juan Marquez ay ginagamit ng ilang mga personalidad para umepal (o pumapel… hango sa salitang EPAL o Extra PALagi).

marquez

Isang mambabatas ang naglapat ng panukala na isinusulong ang pagturo ng talambuhay ng boksingero sa mga mag-aaral sa elementarya.

Tanong lang ng ilan: papaano ang mga bahagi na rated R?

•••••••••••••••

Kinarir ni DILG Sec. Mar Roxas ang bill of rights ng mga airline passenger noong nasa DOTC pa siya – katuwang ang DTI.

dilg+sec+mar+roxas

Simula Dec. 21, narito ang ilan sa mga karapatan nyo.

1. Offloaded baggage

Kung hindi nasakay ang inyong bagahe dahil sa “operational, safety, o security reasons”, kailangang i-report sa inyo ng airline at isakay kaagad ang inyong bagahe sa susunod na flight.

Kailangang maihatid ang inyong bagahe sa inyo sa loob ng isang oras pag lapag ng eroplano sa inyong destinasyon. Kailangang bayaran kayo ng airline ng P2,000 sa bawat 24 oras na maatraso ang bagahe.

2. Overbooked flights

Kung overbooked ang isang airline at nagpresinta kayong ibigay ang inyong upuan sa iba – kailangang may kabayaran kayo – maging pera man o sa ibang paraan.

Airport-Manila

3. Airline promotions

Ang lahat ng pinagbabawal sa isinasagawang promotion ay kailangang pinapaliwanag sa Ingles AT Pilipino.

4. Check-in

Kung dumating ka sa check-in area nang hindi kulang sa isang oras bago sa tinakdang paglipad, obligado ang airline na i-check in ka.

5. Flight cancellation

Kung kinansel ang inyong flight, kailangang ipaalam sa nyo sa pamamagitan ng anunsyo o sa pamamagitang ng text.

6. Flight delays

Sa atrasadong flight, ang airline ay obligadong handugan kayo ng libreng pagkain, inumin, gamit ng telepono o internet. O kung kakailanganin – hotel na matutuluyan.

•••••••••••••••

Ayon sa isang pag-aaral ng Human Development Network, tatlong lugar sa Pilipinas ang maiging tirahan para buhay ay mas mahaba, edukasyon ay mas maganda, at may kabuhayan para sa pamilya.

Benguet on top!
Benguet on top!

Ang mga ito ay  Benguet, Metro Manila at Batanes.

•••••••••••••••

Huling hirit. Natumbok ng magaling na mamamahayag na si Elllen Tordesillas ang damdamin ng marami:

Akala ni Pacquiao superman siya. Kaya niya gawin ang gusto niya.

Gusto niya kumanta, nagku-konsyerto siya kahit hindi naman talaga maganda ang boses ang pangit naman siya kumanta. Pinapalakpakan naman kasi.

Kongresman siya kahit na panay naman absent niya. Ngayon pasok din sa pulitika ang asawang si Jinkee at ang kanyang kapatid. Sa isip niya kaya nila lahat yan dahil lumalangoy sila sa pera.

Ganyan ang epekto ng kasikatan at sobrang daming pera.”

Mismo.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s