Advertisements

Si Ping – Vegetarian?

Mula pa noong 2001 nang una siyang nahalal na senador, taun-taong tinatanggihan ni Sen. Ping Lacson ang budget na nakalaan para sa mga mambabatas tulad niya. Itinuturing itong “pork barrel” at – sa bawat senador – ang halaga’y P200-M na pwedeng gastusin sa paboritong proyekto.

Ang kaibahan kay Ping, galit ata sa pork. Laging ibinabalik ang buong pork barrel niya sa kaban ng bayan.

Marahil ay husto niyang pinapaniwalaan ang isang pag-aaral na nagbulgar na, sa maraming pagkakataon, halos 50% lang ng nilaang pera sa pork barrel ang napupunta sa proyekto; ang balanse ay naliligaw sa baluktot na daan ng korapsyon.

senator-panfilo

Saludo kami sa ma-prinsipyong mamang ito.

Kaya naman ang ganda ng regalong bitbit ni Ping pag-alis niya sa Senado.  Binasura na nang tuluyan ng Korte Suprema ang paulit-ulit na binibintang sa kaniyang “rub-out” ng Kuratong Baleleng gang.

Sang-ayon ang korte na nabigo ang prosekusyon ng kasong patunayan na may “probable cause” para iugnay si Ping sa krimen.

Sa gabundok na putik na ipinukol sa Senador… walang nanikit.

••••••••••••••••••••••••

Hula who. Sino itong hepe ng kontrobersyal na ahensiya na bumili ng limang ATV (all terrain vehicle) para sa kaniyang magarang beach house. Isa kay mister at isa kay misis… at may kaniya-kaniya ang tatlong tsikiting nila.

Ano kaya ang 'alas' niya at parang di matsugi-tsugi sa puwesto?

Ano kaya ang ‘alas’ niya at parang di matsugi-tsugi sa puwesto?

••••••••••••••••••••••••

Ba’t ako magmamadali?

Ito ang sagot ng hepe ng kapulisan sa Cagayan de Oro nang hinahanap siya ng mga opisyales ng lungsod habang humahagupit ang bagyong “Pablo”.

pablo

Habang nagbubuhos ng lagim si Pablo, abala sa almusal ang dapat abala sa kaligtasan ng mga residente. Kopi pa nga!

Signal No, 3 na noong Martes… at diniklarang “code red” ni City Mayor Vicente Emano ang situwasyon. Nangangahulugang, kailangang tulungan nang lumisan ang mga residenteng malalagay sa panganib dahil sa bagyo.

Nguni’t inabot ng dalawang oras – tapos ng deklarasyon ng “code red” – bago nagpakita si hepe. Katuwiran niya ay nag-almusal pa siya at ang kaniyang mga tauhan.

••••••••••••••••••••••••

Gusto ko happy kayo – sa talambuhay ko. Patok na patok ang bagong libro ni Sen Juan Ponce Enrile kung saan ay kaniyang ikinuwento ang hirap na pinagdaanan niya at ang tagumpany na sumunod dito. May kurot sa puso ang libro kaya naman ‘sold out’ sa mga bookstore.

Nakaka-enganyo ang magandang kuwento - kaya laging 'sold out'

Nakaka-enganyo ang magandang kuwento – kaya laging ‘sold out’

Pero hirit ng isang kritiko, “pag nagka-supply ulit ang mga bookstore ng librong ito, madaling hanapin… punta lang kayo sa fiction section”. Ayos.

••••••••••••••••••••••••

Huling hirit. Masama ang loob ni “bruskong-feeling-star” dahil ang TV show niya ay ililipat na sa ibang time slot, simula Enero.  Ang mataas na rating ng palabas dati ay tuluy-tuloy nang nadulas, pababa nang baba.

Karma kaya?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: