Advertisements

Astang “nakakalalaki”… nakakamatay

Sobrang sensitive ng mga Pinoy.

Malungkot na natutunan ito ni US Marine Major George Anikow noong Lunes.

Nakainom ang Amerikano at medyo sinasabon at nakikipag-diskusyon sa isang sikyu sa Rockwell. Dumating ang isang Volvo na may sakay na apat na kalalakihan.

Marahil, dahil sa kalasingan at init ng ulo ni Anikow, diumano’y natapik niya nang malakas ang Volvo.

Ito’y ikinagalit ng mga sakay ng kotse.

Bumaba ang apat. Itinulak ni Anikow ang isa sa mga humihingi ng paliwanag. Inulan ng gulpi ang US marine.

Duguan at may saksak ang 41-anyos na beterano ng gyera sa Afghanistan.

Anikow sa Afghanistan

Hindi na umabot nang buhay sa ospital.

Nagpapatunay na ang init ng ulo at alkohol ay deadly na kombinasyon.

••••••••••••••••••••••••

Pagbobotohan ngayong Linggo sa Senado ang House Bill No. 6052 na magbababa ng edad ng pananagutan sa krimen sa 12 anyos mula sa dating 15.

Sa panukalang ito, ang mga 12 anyos na masasangkot sa krimen ay tratratuhin at paparusahan tulad din ng mga kriminal na 30- at 40-anyos ang edad.

Parehong trato at parusa sa menor de edad na kriminal?

Ang mga sumusuporta ay nababahala na ang mga batang kriminal ay ginagamit ng mga sindikato dahil magaan lang ang parusa. Sa tingin ng mga mambabatas, ang panukalang ito ang kailangan para mabawasan na ang mga krimeng nasasangkot ang mga menor de edad.

••••••••••••••••••••••••

Patas na laban? Noong September 5, 2012, sinuspinde ng anim na buwan ng PAGCOR ang empleyado nilang si Roberto G. Duenas, branch surveillance officer ng Casino Filipino-Angeles, dahil sa walang pahintulot at personal na paggamit ng isang pag-aari ng ahensya.

Kamakailan, nakunan ng litrato ang anak ng bosing ng PAGCOR at ang yaya nito na sinusundo ng empleyado ng Pagcor, gamit ang isang sasakyan ng Pagcor.

Tama kaya na ang mga maliliit na lumabag sa patakaran ang tanging napaparusahan sa tanggapang ito?

••••••••••••••••••••••••

Huling hirit. Pumalag ang India at Vietnam sa bagong e-passport ng China kung saan nakalarawan ang mapa nila na isinama ang mga teritoryong pinagaawayan pa ng ilang mga bansa.

Kontrobersyal ang bagong e-passport ng China

Sagot ng India ay pangtatak sa visa na may mapa na kasama ang teritoryong inaangkin nito laban sa China.

Ang Vietnam naman ay di tinatatakan ang bagong e-passport ng China nguni’t nagbibigay ng tatak sa hiwalay na papel na sila ang naghanda.

Ang Pilipinas tameme na lang at ang katuwiran: ang may hawak ng visa ay hindi naman ang mga umaangkin sa mga teritoryo.

Kaniya-kaniyang diskarte. Pataasan ng ihi.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: