Kanino papatol – sa tilapia o sa itik?

Kahit nasa kulungan, ang pagnanasa sa laman ng mga nakakulong sa Bilibid, Muntinlupa ay napapagbigyan din.

Gusto mo’y “tilapia”… pero kaya mo ba?

Mayroon kasing mga binubugaw na babae ang ilang mga tiwaling nagtratrabaho doon.

Pag magandang babae, ang tawag ay “tilapia” at maaaring magbayad ang isang “customer” ng hanggang P2,500.

Pag hindi gaanong kagandahan, ang tawag ay “itik” at maliit lang ang dulot na butas sa bulsa – P150.

•••••••••••••••••••••••••••

Sin Tax Bill – Go na sa Senado.

Nakalusot na sa Senado ang sin tax bill na nagpapataw ng karagdagang buwis sa sigarilyo at mga produktong alcohol.

Dalawang senador lamang ang bumoto laban sa panukala – sina Senador Joker Arroyo at Francis Escudero.

Ang mga pabor ay sina Senate President Juan Ponce Enrile, Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada, Senate Majority Leader Vicente Sotto III, Sen. Franklin Drilon, Gregorio Honasan II, Pia Cayetano, Lito Lapid, Aquilino Pimentel III, Ferdinand Marcos, Jr. Teofisto Guingona, III, Loren Legarda, Ramon Revilla Jr. Manuel Villar, Ralph Recto at Panfilo Lacson.

Inaasahang ang gobyerno ay kikita ng karagdagang P40 billion na dulot ng mga bagong buwis.

Ang P24 billion ay manggagaling sa karagdagang buwis sa tobacco, habang ang P16 billion naman ay  manggagaling sa alak at ibang inuming alkohol.

•••••••••••••••••••••••••••

Time-out muna? Tapos magpakawala ng 800 missiles patungong Israel, humihingi ng tigil-putukan ang Palestine tapos sagutin sila ng Israel ng mas matinding mga pasabog.

Masama mapikon ang mga Israeli

Ayan, alam naman natin ang paninindigan ng mga Israeli – walang atrasan, walang ayawan sa laban.

Matagal-tagal bago tumahimik muli sa Gaza Strip.

•••••••••••••••••••••••••••

Iniwan tayo ng dalawang ‘first division’ na musikerong Pinoy ngayong linggo.

Si Roger Herrera, 80 years old, na pinatunog ang kaniyang umuusok na bass sa libu-libong awiting OPM.

Iniwan na rin tayo ng nagpasimula sa Pinoy Jazz – si Eddie Munji, 57 anyos.

Ang lagkit ng togs ngayon sa langit!

Malamang, lalong sasarap ang “jam session” sa langit.

Ika nga nga mga mahilig sa jazz… “malagkit, pare!”

•••••••••••••••••••••••••••

Isang nagmumurang kamatis na D.O.M. ay napatay sa motel at ang itinuturong mastermind ay ang syota niyang 15 anyos lamang.

Pinaghahanap na ang mga kakontsaba ng dalaga sa krimen na ang mga ngalan ay Elton Juan at Panget.

Singbantot siguro ng pangalan nila ang mga mamamatay-taong yan.

•••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit. Pwede naman palang masayang balita sa showbiz – kahit paminsan-minsan.

Tulad ng “surprise” wedding ni Carmina Villaroel. Akala niya ay lalabas lang siya sa isang patalastas na nakabihis-pangkasal.

Magandang gimik, masayang gimik

Anong gulat niya nang matuklasan na ito pala ay ang kaniyang kasal na nilihim at plinano ng kasintahang si Zoren Legaspi.

Happy ending. Mabuhay ang bagong kasal!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s