“Manigas kayong lahat!”

Kamakailan, sa pamamagitan ng isang sulat, nagreklamo ang anak ni Robert Kennedy sa diumano’y paggamit ng ilang linya ng talumpati ng kaniyang ama nang walang pahintulot.

Ang may sala raw: si Sen. Tito Sotto.

Nang tanungin ang senador kung siya ay hihingi ng “sorry”, sagot niya: “Huh? Ba’t ako magso-sorry?

Protektado ako ng konstitusyon.”

Huh? Ang plagiarism na binibintang ni Ms. Kennedy, protektado ng saligang batas?

Lahat tayo’y mayroong sagot dyan. Kaya lang, kulang ang karapatan nating maghusga.

Pero ang walang kaduda-duda ay mukhang wala talaga sa vocabulary ni Tito Sotto ang katagang  “I’m sorry”.

May pagdinig ang Senate ethics committee sa kasong ito pero ngayon pa lang maraming nagsasabi na napanood na nila ang susunod na kabanata.

 ••••••••••••••••••••

Ayon sa isang pag-aaral, tatlong bagay ang pinakamadalas na binibili ng  nakakaraming Pinoy: 1) soft drinks, 2) alak at mga inuming may alcohol, 3) biskwit.

Dahil kaya sa numero uno kaya maraming diabetic sa bansa?

 ••••••••••••••••••••

Bagong yaman vs mga pioneer. Ang labang politiko sa South Cotabato ay ang nakakasabik na laban ng bagong yaman na si Manny Pacquiao at ang kaniyang mga kapamilya at barkada, laban sa pamilyang Antonino at Acharon na siyang ilan sa mga unang sumabak at bumungkal ng lupa sa probinsyang ito.

Laban politika sa tahimik at magandang GenSan

Mamamayagpag kaya ang perang bubuhos ni Pacman sa kapatid niyang si Roel na kakandidatong congressman laban kay Jun Acharon? Madala kaya ang mga taga-GenSan sa milyun-milyong yaman ng shipping magnate at kandidatong mayor na si Ronell  Rivera? O, patuloy ba nilang susuportahan si Darlene Custodio Antonino?

Tanungin n’yo ang daan-daang tricycle drivers sa lungsod at alam nila kung sino ang dapat manalo. Dahilan nila ay makatuwiran.

 ••••••••••••••••••••

Abnormal na pag-ibig sa pera, kapalit ay luha. Libu-libo ang tinakbuhan ng isang manloloko – sa halagang P12 billion.

No, hindi po.

Hindi siya politiko.

Ang tinutukoy ay si Manuel Amalilio, isang dating janitor at driver na nagtayo ng kompanyang ngala’y Aman Futures.

Halos 15,000 tao ang naloko ng dating janitor/driver

Nagsimula sa pamamagitan ng pag-enganyo ng mga tindera sa palengke sa Mindanao na mag-invest ng kaunting pera at ito ay lalaki daw ng mga 70% sa loob ng isang linggo.

Maraming na-enganyo – kabilang na ang mga tindera, mga titser, mga OFW at pati mga politiko at sundalo.

Ngayon, halos lahat sila ay luhain.

Ang gintong aral: kapag parang hindi kapani-paniwala ang pangakong kayamanan… UMIWAS.

••••••••••••••••••••

Huling hirit. Ang mahalay na away-kapatid ni Jinggoy Estrada at JV Ejercito ay magandang halimbawa kung bakit kailangan ang Anti-Dynasty clause ng ating saligang batas.

“Sa iyo ang San Juan… sa akin ang Senado, ‘tol”
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s