Advertisements

Hindi na nag-iisa si Ninoy?

“Dalawa na tayo!”.

Yan ata ang slogan ng kandidatong senador na si Bam Aquino. Plakado ang galaw, anyo at pati salamin ng bayaning si Ninoy Aquino.

Kulang na lang ata ang magpakasal siya (muli) sa isang kamukha naman ni President Cory.

Medyo nakakairita ang gimik.

Magpakatotoo ka, ser.

Hinding-hindi mo mapapantayan si Ninoy. Matalino. Matalas, malaman magsalita. At hindi gaya-gaya.

Kaya baguhin na ang face value. Ibahin ang hair-do… o ang hati ng buhok. Magpalit ng salamin.

Saka Senador? Agad-agad?

Baka naman puwede… konsehal muna.

•••••••••••••••••••••

Walang tumutol o humirit sa bagong panukala sa Kongreso na nagsasaad na bahagi ng ating buwis ay gagamiting pondo sa kampanya ng mga kakandidato tuwing eleksyon.

Samantala, dedma lang ang lahat ng mambabatas sa matagal nang hinihintay na ‘enabling law’ ng anti-dynasty clause ng Konstitusyon.

Dedma at walang paki sa anti-dynasty law

Paki-eksplika nga.

•••••••••••••••••••••

Ma-cholesterol ang maging mambabatas. Bakit ang daming gustong magtrabaho sa Kongreso? Pork barrel ang dahilan.

Sa kasalukuyang patakaran, ang bawat senador ay may nakalaang P150 milyon para sa kaniya-kaniyang paboritong proyekto. May P70 milyon naman ang bawat kongresman.

Pero, ayon sa mga eksperto, 50% lang ang kadalasang napupunta sa mga proyekto at ang balanse ay maaaring nauuwi sa “kickback” o “tong-pats”.

•••••••••••••••••••••

May bagong ordinansa ang Quezon City na nag-uutos sa mga negosyo na magkabit ng CCTV (camera at monitor) sa kanilang mga tindahan o tanggapan.

Walang CCTV… walang business permit.

Magadang paraan para magdalawang-isip ang mga nagtatangkang gumawa ng krimen.

Pero, teka. May isang obispo na nag-utos din na magkabit ng CCTV sa mga simbahang sakop niya.

Para mahuli ang mga umuuwi sa kalagitnaan ng sermon?

O, para mabuking ang mga hindi nagbibigay ng abuloy?

Biglang lingon ba kayo sa likod?

•••••••••••••••••••••

Bumabandera nang husto ng mga Koreyano.

Sa larangan ng electronics – lalo na TV sets – lampaso na ang dating kampeon na Japan. Nalulugi na ang mga kompanyang Hapon na dati’y namamayagpag tulad ng Panasonic at Sharp.

Ang dating bida – Sony – ay sumusubok makahabol pero mukhang malabo na.

Sa cellphone naman, walang takot na tinapatan ng Samsung ang popular na iPhone ng Amerika.

At sa larangan ng musika, buong mundo’y yumuyugyog sa tugtuging Gangnam style ng Korean singer na si Psy.

•••••••••••••••••

Huling hirit. Heto na naman si Bogart at may pasabog.

MACEDA: Naniniwala ka ba sa safe sex?

ERAP: Oo naman, sinisigurado ko na wala ang mga asawa nila kapag ginagawa ko yon.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: