Mala-aliping kontrata – sa recording!

Kailangang imbestigahan ang pang-aabuso sa ating mga musikero.

Ganito ang siste: bawat bagong singer o banda ay – syempre lang – atat na atat na makapag-record.

Alam ng mga recording companies ito kaya ang mga kontratang inaalok sa mga pobre ay laging pabor – sa record company.

May ilan na pinapapirma ang mga musikero sa kontrata na nagsasaad na ang orihinal na awitin nila ay magiging pag-aari ng record company.

Habang buhay. Sa baryang halaga.

Pagka’t gigil na gigil ang mga musikero, kahit na ano… pipirmahan.

 •••••••••••••••••••••

Kung nakatulog ka nang tuloy tuloy ng ilang buwan at binuksan ang TV, iisipin mo na ang bagyong nakikita mong bumabayo at nagdudulot ng baha at lagim ay nangyayari sa Marikina o Malabon.

Marikina? Malabon? Maryland!

Pero, teka… mapupuna mo na ang salita ng mga tao ay medyo slang-gonisa at doon lang mapapansin na ang lahat ay nangyayari sa Amerika.

Korek. Nagmukhang bagyong-Pinoy ang mga lumulutang na kotse at kalat sa baha… sa gitna ng New York City at ibang lugar sa kakatapos lang na superstorm na Sandy.

•••••••••••••••••••••

Nilaglag ng Comelec sa darating na halalan ang partylist group na Ang Galing Pinoy (AGP) na pinamumunuan ni Rep Juan Miguel “Mikey” Arroyo, anak ng dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa napakahabang panahon sa kongreso, iisang panukala lang ang inihain ng grupo para sa kapakanan ng mga security guard na siyang kinakatawan nila. Kaya’t nagpasya ang Comelec na hindi na payagan ang paglahok ng AGP sa 2013 elections.

“Hindi namin alam kung ito’y puspusang katamaran lang o kakulangan ng pagmamalasakit para sa mga kinakatawan nila,” dagdag ng mga taga-Comelec.

•••••••••••••••••••••

Trabaho ng PSG na pangalagaan ang kaligtasan ng presidente. Kamakailan, naisipan ni PNoy na kumain sa paborito niyang Korean resto na Korea Garden sa Makati.

Hindi inabala ng ibang mga tao ang pangulo. Pero may isang customer na nagsimulang magtaas ng boses at kung anu-ano ang pinagsasabi. Napilitang harapin ng PSG detail ang customer at pagsabihan.

Maaaring hindi tayo boto sa pamamalakad ng ating mga lider – pero may karapatan din silang mabuhay ng normal at mag-enjoy ng paboritong chibog nang walang bumabatikos at bastos na nagsisisigaw pa.

Korean barbecue… paborito ni PNoy?

•••••••••••••••••••••

Huling hirit. Isang kontribusyon ni ‘Bogart’.

Guy… Pip… and Maria Leonora Teresa

JINGGOY:   Pops, pang ilang Tirso Cruz ba si Tirso Cruz III?

ERAP:   Naku naman, ka-simpleng tanong di mo alam ang sagot. Bobo! Pinag-aral pa kita sa mamahaling mga school.

JINGGOY:  Sirit, Pops. Pang ilan ba?

ERAP:   Eh, di pang-lima!

JINGGOY:  Huh? Tirso Cruz III… pang-lima?

ERAP:    Pip! Pip… klarong-klaro…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s