Advertisements

Boundary na, humirit pa!

Sa isang interbyu sa New Zealand, minaliit ni PNoy ang pagkandidato bilang Senador ni Cong Teddy Casino. Sabi nya na masuwerte na’ng makakuha ng 2% ng boto si Casino.

Hindi ito pinalampas ng congressman.

Sagot niya: tignan mo kung papaanong manliit ang taong yan. Siya ay hindi lumalabas sa anumang survey noong araw. At wala… walang nag-isip na may kakayahan siyang maging pangulo. Naku, kung hindi lang sa apelyido niya at sa tapang ng kaniyang nanay at tatay… marahil ay hindi siya naging Senador.

Dagdag ko lang: sabi nga ng matatanda, kung wala rin namang masasabing mabuti – wag nang paandarin ang bunganga. Kung boundary na sa popularidad, tahimik nalang.

•••••••••••••••••••••

Adoo, dooo, dooo. Iba si Sting – ang idolong rock star ng marami. Nang may nagtsismis sa kaniya tungkol sa pinaggagawa ng isang mall developer sa Baguio – ang nagpabungkal ng mga pine tree para magtayo ng gusaling pang-parking –  pinakiusap ni Sting sa prodyuser sa Manila na ilipat ang kaniyang concert sa ibang lugar at wag na sa venue na pag-aari ng developer.

•••••••••••••••••••••

May tulog si Pacman. Hindi na natuto ang pambansang kamao. Noon 2007, tumakbo si Manny Pacquiao bilang congressman ng GenSan kalaban si Darlene Antonino. Knock out si Manny.

Ngayo’y may second round at may kaibigan siyang pinapatakbo at sinusuportahan bilang kalaban ni Darlene sa puwestong mayor ng GenSan.

Dala ng Team Pacquiao ang pangako ng trabaho para sa mga taga-GenSan. Nalimutan ata na bumabaha na sa trabaho at opportunidad doon ngayon.

Ika nga ni Gary V… “di na natuto”.

•••••••••••••••••••••

Hula who. Nang magsimula ang mga survey tungkol sa mga “llamadong” senatoriable, nasa ilalim ng listahan ang bida natin. Tapos gumastos ng P150M sa telebisyon, nasa magic 12 na siya. Pera pera lang talaga.

•••••••••••••••••••••

Mabuti pa “pick-up” lines. Hangarin nyo bang mapalapit sa umaakit sa inyong puso? Mabuti pa’y isaulo ang mga ito.

Mabuti pa ang telepono, hine-hello.

Mabuti pa ang hininga, hinahabol.

Mabuti pa ang tindera, nagpapatawad.                                                                                                                                                          Mabuti pa ang kalendaryo, may date.

Mabuti pa ang test paper, sinasagot.                                                                                                                                                           Mabuti pa ang assignment, inuuwi.                                                                                                                                                              Mabuti pa ang patay, dinadalaw.

Mabuti pa ang sapatos, may kapares.

Mabuti pa ang school, may chemistry.

Mabuti pa ang chemistry, may lab.

Di tulad ko: parang notebook, filler lang.

•••••••••••••••••••••

Huling hirit. Sa linggo na ang concert na “Hotdog… Isa Pa Nga!” sa Dusit Makati. Kung gustong i-rewind ang buhay nyo noong bagets (at payat) pa kayo, ito na marahil ang pinakamasayang paraan. Taralets! Tumawag sa 8866186.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: