‘Sin tax’ bill – hindi ko-Recto?

Hindi natuwa ang marami sa bersyon ng “sin tax bill” na inilabas ng Senate committee na pinamumunuan ni Sen Ralph Recto.

Sa nasabing panukala, ang balak na ipataw na buwis sa sigarilyo at alak ay higit na mas mababa kaysa sa inaasahan ng administrasyon. Dahilan ni Recto, “bakit natin papaslangin ang ating pinagkakakitaan?” Higit pa riyan, mahihirapan daw ang mga kababayan natin – lalo na ang mga tobacco farmers. Sapul ang kita nila sa karagdagang buwis.

Medyo, 1) hilo ata (sa usok ng yosi?) ang committee. O kaya’y, 2) may taya sila sa tobacco industry.

Una, ang dahilan para sa panukala ay hindi lamang para makalipon ng karagdagang pondo; ang pinaka-pakay ay para mabawasan ang mga nagyo-yosi at tumo-tomang Pilipino. Kung mas mahal ang mga bisyo, mas kaunti ang maakit ng mga ito.

Pangalawa, nalimutin banggitin ni Recto na ang mga cigarette manufacturer ay nag-iimport ng tobacco para sa sigarilyo nila – 20% lang ang binibili sa mga tinutukoy na “kawawang” Pinoy tobacco growers.

Kaliwa’t kanang batikos ang nakuha, kaya agad nagbitiw si Recto bilang chairman ng committee na nangangasiwa sa “sin tax bill”.

Sabi ng iba, “pikon”.   Hirit ng iba, “guilty”.

••••••••••••••••••••••••••••

Ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ay binansagang “Asia’s worst airport” ng website na Sleeping in Airports.

Dinahilan ang sira-sirang kisame, sobrang siksikan, garapal na paninikil at ang mga mapagsamantalang taksi drivers nito.

Ibang “worst” airports 

Ayon sa Sleeping in Airports, ang worst airport sa North America ay ang Los Angeles airport; sa Europa naman,  ang nasa Roma.

Pinili ng website ang Changi Airport sa Singapore na “best airport in the world”, sinundan ng Seoul at Hong Kong.

Eto ang kanilang listahan ng worst airports sa Asia:

1. Manila (NAIA 1)

2. Mumbai

3. Islamabad

4. Singapore’s Low Cost Carrier Terminal

5. Kolkata

6. Jakarta

7. Hanoi

8. Chennai

9. Kuala Lumpur Low Cost Terminal

10. Bali

Paalala lang sa Sleeping in Airports: ang mga terminal ay ginawa para pagsimulan at hintayan ng mga flight. Kung komportableng matutulugan ang gusto… maghanap kayo ng hotel noh.

••••••••••••••••••••••••••••

Hula who. Sa isang progresibong lugar sa Mindanao, tatakbong alkalde ang isang bigating nasangkot sa krimen.

Binaril at napatay ng bodyguards ni politiko ang diumano’y nagselos na kasintahan ng chik na pinopormahan niya.

May komplikasyon: hindi na matagpuan ang mga mahahalagang ebidensiya. Pero, mapaglaro ang karma: lalabas at lalabas ang lahat ng baho – sa init ng kampanya.

Kaya, syota ng may syota – wag pakialaman, ser.

Advertisements

1 thought on “‘Sin tax’ bill – hindi ko-Recto?”

  1. “I recall he approached me earlier knowing I was the author. (Drilon) said he asked Senator Recto to use my bill as the basis for his committee report and just alter (palitan) some provisions so that a compromise could be achieved and we could start the debates. But (Recto) disagreed (ayaw nya),” Santiago said in a radio interview.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s