Advertisements

Boksingero – Todo-Tapang Nagladlad

Mabagsik. Matapang. Nanalo sa 179 labang amateur at lumahok sa 2000 Olympics.

Pero hindi sa mga karangalan na yan maaalala si Orlando Cruz, isang boksingerong Puerto Rican.

Maaalala siya dahil sa lihim na ibinunyag niya noong isang linggo.

“Matagal na akong ganito – at patuloy na mananatiling isang… bakla. At hindi ko ikahihiya ito.”

Todo suporta ang ilan sa mga kababayan niya tulad ng boksingero na si Miguel Cotto at ng singer na si Ricky Martin.

Ito ang kauna-unahang paglaladlad sa mundo ng boksing.

Siguradong uulan ng kantiyaw sa susunod niyang laban pag sa gitna ng sagupaan ay umakbay o kumapit si Cruz sa kaniyang katunggali.

“Chancing… chancing… chancing…”

•••••••••••••••••••••••••••

Naglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Supreme Court noong Martes laban sa  Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Marami ang pumalag sa bagong batas dahil sa pagsinigit ng elementong libel.

Pinipigil ng TRO ang mga alagad ng batas tulad ng Department of Justice at National Bureau of Investigation – pati na rin ang Department of Science and Technology (DOST) – sa pagpapasatupad ng batas.

Tsismis ay maaaring si Sen Tito Sotto ang nagsingit ng libel clause sa nasabing batas.  Hugas-kamay naman ang ibang mga nag-apruba at dahilan ay hindi nila nakita o nabasa man lang ang siningit.

Tulad ng awit ni Hadji… “Nakapagtataka”.

•••••••••••••••••••••••••••

Pinaka yosi-kadiring mga bansa.

Numero uno ang China sa may pinakamaraming lalaking maninigarilyo (311 million).

Kasunod ang India (229 million), Indonesia  (53.3 million), Russian Federation (32.8 million), United States (32.4 million), at Japan (23 million).

Ika-9 ang Pinas (17.6 million).

Sabi ng mga eksperto: pag tinaasan ang buwis sa sigarilyo, bababa ang bilang ng mga maninigarilyo.

Ito ang dahilan sa pagsalang sa Kongreso ng House Bill No. 5727.

Dismayado ang marami nang ilabas ng committee ni Sen Ralph Recto ang kanilang bersyon ng panukala.

Malabnaw daw kasi at pabor sa mga kompanya ng sigarilyo.

Tuloy tawag dito ng mga alaskador ay “Ralph Morris Bill”.

Hindi pa tapos ang laban. Ating tutukan.

•••••••••••••••••••••••••••

Game over na ang suporta ni MVP sa basketball team ng Ateneo.

Suporta na tumulong sa Ateneo na maging kampeon ng maraming taon. Nasaktan si Manny Pangilinan sa maaanghang na puna ng mga pinuno ng Ateneo sa pinagkakaabalahan niya – una na, ang pagiging aktibo sa mining.

•••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit.

Nilipat ni MVP sa UP ang kaniyang suporta at nakuhang magbiro sa mga mag-aaral nito:

“Ano bang meron sa fishball sa Diliman na ang saya-saya niyo matapos kayo ma-eliminate? Natatalo na, ang yayabang pa…”

Advertisements

One Response to “Boksingero – Todo-Tapang Nagladlad”

  1. Gigi Alvia Says:

    Ateneo does not need Manny’s support…they have pres BS AIII on their side!

    Kudos to UP & MVP 😎

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: