Pinakyaw na ng mga Pacquiao

Tatlo sa pamilya ni Pacman ang sasabak sa darating na eleksyon.

Andyan ang re-electionist na si Congressman Manny Pacquiao. Ang misis niyang si Jinkee na tatakbong vice-governor ng Sarangani Province. At ang utol niyang si Rogelio na tatakbo namang congressman sa South Cotabato.

Si Mommy Dionesia kaya?

Karapatan ng bawat Pilipino ang sumubok magsilbi sa gobyerno. Pero bago ang lahat, magandang pagisip-isipan muna ng bawat isa kung sila ba’y may tunay na “k”.

At hindi ‘kuwarta’ ang kahulugan ng ‘k’ sa aspetong ito.

•••••••••••••••••••••

 

Napuna rin ni FVR. Sa isang interbyu, sabi ni dating Presidente Fidel V. Ramos na sobra-sobra na ang political dynasties sa bayang ito.

Tama siya – at hindi na nakakatuwa.

Para bagang – kahit halos 100 milyong Pilipino na tayo – ang mamahala sa gobyerno ay isang talento na nasa ilang pamilya lamang.

Ilang ehemplo: sa Paranaque at Caloocan, ang mga tatakbo sa mga posisyong congressman at mayor ay parehong ama at anak – laban sa mga mag-ama rin.

Si Mayor Hagedorn ng Palawan naman… tatakbo bilang Senador. Misis niya ang tatakbo para sa dati niyang puwestong mayor ng Puerto Princesa at ang kapatid naman ang tatakbo bilang Congressman.

Naaalala ko tuloy ang awit ni Didith Reyes na nagtatanong… “Bakit ako mahihiya?”

Pero walang tatalo sa sagot ng kandidato sa pagka Senador na si Sonny Angara nang tanungin siya kung hindi ba political dynasty ang itinataguyod na rin nila ng ama niyang si Sen. Edgardo Angara.

Sagot ng batang Angara: “Ours is a political dynasty with legacy…”

Hebigat, man!

•••••••••••••••••••••

Bakasyon sa bad trip. Kung sawang-sawa na kayo sa puro pulitika at mga personalidad na negatibo, siguraduhing bahagi kayo ng isang gabi ng good vibes at good music.

Join na sa “Hotdog… Isa Pa Nga!”. Isang concert sa Oct. 28 na gaganapin sa ballroom ng Dusit Hotel Makati.

Babanatan ng Hotdog ang lahat ng hit songs nila. At higit rito, may munting tribute pa para sa mga kasabay nilang nagpauso ng Manila Sound.

Baka ito na ang huling pagkakataong mapanood ang banda ng “live”.

So tara na… mag-enjoy – Gangnam Style.

•••••••••••••••••••••

Huling hirit. Nakakapanghinayang ang mga kandidatong tulad ni Teddy Casino. Matalino. Walang partido. Walang pondo. Tumatakbo dahil gusto lamang magsilbi.

Pag walang session sa Kongreso, siya ay nagsa-sideline bilang isang photographer para madagdagan ang maliit na kita sa Kongreso.

Pero, balita ko… minsa’y kinapos ang pang-matrikula ng kaniyang anak.

Kaya napilitang ibenta ang kaniyang kamera.

Ang lupit ng buhay.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s