Trillanes… Senator Mahangin?

Maraming nadismaya kay Sen. Sonny Trillanes dahil sa kaniyang mga asta sa Senado kamakailan.

1. Tinawag niyang isang sunud-sunuran si Senate President Juan Ponce Enrile ng dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na diumano’y pumupuwersa kay Enrile na palusutin ang batas na hahatiin ang Camarines Sur

2. Binansagan niya naman si Dept of Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario na isang traydor at hindi inuuna ang interes ng bayan

3. Nagwalk-out ang bagitong senador nang sinimulang ungkatin ni Enrile ang mga lihim na negosasyong isinasagawa ni Trillanes sa China na mayroong basbas daw ni PNoy – ayon yon kay Trillanes.

Kahit nagkamali man si Enrile o si del Rosario, hindi katanggap-tanggap sa isang Pinoy ang pagbabastos sa mga nakakatanda.

Higit dito, ayaw na ayaw ng bawat Pinoy ang isang… mayabang.

•••••••••••••••••••••••••

Lahat ng may Facebook account ay nanganganib na makulong sa bagong-pasang Cybercrime Prevention Act of 2012. Kung mayroon kang maanghang na batikos o punang kritikal tungkol sa ibang tao, puwede kang masampahan ng kasong cyber libel – pati na rin ang mga kaibigan mo sa Facebook na nakisawsaw at sumang-ayon sa iyong paningin.

Kulong at multa ang maaaring kasunod.

Sa daming maaapektuahn ng batas na ito, dalawang hakbang lang ang maaaring tahakin:

1) magpatayo ng libu-libong bagong kulungan para sa milyun-milyong nanganganib na lumabag sa batas

2) balikan ang batas at baguhin ang mga provision na lumalabag sa karapatan ng isang mamamayan na magpahayag ng damdamin

Kaya kung magpe-Facebook mamaya, isipin muna bago n’yo ipagkaloob ang inyong “like”.

•••••••••••••••••••••••••

Tagilid ang mga kababaihan. Ang unemployment rate ng kababaihan ngayon sa Pinas ay 36.5%.

Nangangahulugan, 6.5 million na babae ang walang trabaho.

Sa kalalakihan, ang unemployment rate ay pumalo sa 18.9% o 4.4 million na lalaking walang trabaho.

•••••••••••••••••••••••••

Baka lang sakaling makalusot. Hindi pinayagan ng COMELEC na tumakbo bilang partylist sa darating na halalalan ang grupong Addicts and Alcoholics Carrying the Message Association (AACMA, INC).

•••••••••••••••••••••••••

Magastos ang trapik. Ang laki pala ng nawawala sa atin dahil sa masikip na trapik. Ayon sa DOTC, umabot sa halagang P137.5 billion noong nakaraang taon.

•••••••••••••••••••••••••

Huling hirit. Nagpapataasan ng jingle ang magkapitbahay – parehong social mountaineers.

Mark: Ano’ng ulam nyo?

Radel: Balanced green leafy veggie with Caviar and crushed sweet tomatoes in sparkling salted seafood.

Mark: Wow! And sarap naman nun. Ano yun?

Radel: Talbos ng kamote at bagoong na may pinisang kamatis. Kayo, ano ulam nyo?

Mark: Fish fillet de el nino.

Radel: Wow! Sosyal, ano yun?

Mark: TUYO!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s