Advertisements

Gusto ko, happy ka?

Hindi na masaya si Sen. Sonny Trillanes sa pamumuno ni Juan Ponce Enrile ng Senado. Kinakaya-kaya raw kasi ni Enrile ang mga senador at ang tanging inaatupag ay mga panukalang kursunada niya. Isa rito ang paghati sa dalawang lalawigan ng Camarines Sur – dahil kahilingan daw ito ni dating Pangulong GMA at ni Cong. Luis Villafuerte.

Resbak ni Enrile, mahina raw si Trillanes at walang alam sa military strategy.  Ito’y dahil nakipagusap daw si Trillanes sa mga opisyales ng China na walang pahintulot ng pamahalaan, lalo na ng Dept. of Foreign Affairs.

Tinawag niyang isang duwag si Trillanes nang ito’y nag-walk out habang tinatalakay ni Enrile ang paratang.

•••••••••••••••••••••

Mukhang matindi ang laban para sa Senado sa halalan 2013. Halos patas ang galing ng line-up ng magkatunggali: partido Liberal at Una Party.

Narito ang mga kandidato ng dalawang partido at ang antas ng bawat isa ayon sa isinagawang malawakang survey:

LIBERAL PARTY

Chiz Escudero (survey rank: 2)

Alan Peter Cayetano (survey rank: tied for 3rd)

Sonny Trillanes (survey rank: 6)

Koko Pimentel (survey rank: 8)

Sonny Angara (survey rank: 10)

Cynthia Villar (survey rank: 11)

Ramon Magsaysay Jr. (survey rank: 14)

Jamby Madrigal (survey rank: 15)

Risa Hontiveros (survey rank: 17)

Ruffy Biazon (survey rank: 18)

Grace Poe (survey rank: 19)

Bam Aquino (survey rank: 22)

UNA

Loren Legarda (survey rank: 1)

Chiz Escudero (survey rank: 2)

JV Ejercito-Estrada (survey rank: tied for 3rd)

Jack Enrile (survey rank: 5)

Gringo Honasan (survey rank: 7)

Migz Zubiri (survey rank: 9)

Richard Gordon (survey rank: 13)

Grace Poe (survey rank: 19)

Joey de Venecia (survey rank: 21)

Ernesto Maceda (survey rank: 23)

Gwen Garcia (survey rank: 25)

Mitos Magsaysay (survey rank: 28)

•••••••••••••••••••••

Huling hirit. Totoo kayang napikon si Sen. Tito Sotto sa pag-aalaska ng mga bloggers sa Internet? Nagsimula kasi ang walang patid na pagtira kay Sotto nang matuklasan na ang ilang bahagi ng isang privilege speech niya ay hango sa blog ng isang manunulat na Amerikana.

Dahil napikon, siningit diumano ni Sotto ang isang provision sa bagong Cybercrime Law na pinaparusahan ang mga nagpapahiwatig sa internet ng batikos na tila libel ang dating.

Hindi sang-ayon dito ang libu-libong gumagamit ng internet para ipahatid ang kanilang opinyon at nararamdaman.

(Huling-huli ng kaibigan kong blogger ang sentimyento ng nakararami: http://asmartrock.wordpress.com/2012/09/20/huwag-mo-kong-salingin-noli-me-tangere/)

Sa dakong Amerika, nabuking ang presidential candidate na si Mitt Romney nang banggitin niya sa isang miting ng mga negosyante na ang 47% ng sumusuporta kay President Obama ay mga palamunin lang ng gobyerno.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: