Pag may gusot, may palusot?

Kaya madalas kinukutya ng bayan ang tuwid na daan ni Pnoy ay pagkat pag may insidenteng nangyari, medyo baluktot ang paliwanag o ang dinadahilan.

Tulad ng gusot tungkol kay DILG Usec. Rico Puno at ang diumano’y pagkasangkot nito sa ma-anomalyang arms deal. Matinding pinagtanggol ni presidente ang bespren at diniin na dapat daw “presumed innocent until proven guilty”.

Pero noong ibang mga tauhan niya ang kaniyang tsinugi, hindi naisip ni Pnoy na tratuhin silang “presumed innocent until proven guilty”.

“ano ba naman ang sikreto mo?”

Pati ang istorya tungkol sa pagsugod ni Usec. Puno sa condo ni Sec. Robredo – singlinaw ng Pasig River. Ayon kay PNoy – noong Aug. 18 – unang araw ng paghahanap kay Sec. Jesse, pinaalala ni Justice Sec. De Lima sa kaniya na may mga papeles na nasa opisina ni Robredo (tungkol sa jueteng at mga ma-anomalyang bidding) na kailangang pangalagaan. Kaya agad niyang inutusan ni Puno para i-secure ang opisina ni Sec. Jesse.

Kontra tiyempo naman sa kuwento ni Mrs. Leni Robredo: noong Aug. 19 – pangalawang araw ng paghahanap sa kaniyang mister – nagtangkang pasukin nila Usec. Puno ang condominium ng mga Robredo. Noon lamang ipinarating ni Leni kay Sec. Dinky Soliman ang kaniyang pangangamba at ito nama’y pinaabot kay Sec. De Lima na agad umaksyon at pinabantayan ang opisina at condominium si Sec. Jesse.

Dahil hindi magkatugma, “presumed” ng taong bayan na may nangyayaring palusot.

••••••••••••

Ito ang tunay na “ex-deal”. Umuugong ang tsismis na ang “ex” ni Angelica Panganiban ang papa ngayon ni Ruffa Gutierrez na may “ex” na papa ngayon ni Angelica Panganiban.

Ex-acto.

••••••••••••

Walang kupas ang galing ni Bill Clinton. Ang speech niya sa National Democratic Convention ay hinangaan ng buong mundo – pati na ng mga katunggaling Republicans.

Klaro kasi magpaliwanang si Clinton. Bawat binibitaw niyang pananalita ay suportado ng masusing research. At hindi siya umaasa sa kodigo – pinag-aaralan talaga niya ang paksang nakasalang.

Itong galing ni Bill ay siyang galing din ni Hillary. Nagkahawahan ang mag-asawa sa talino at dating.

Kaya naman ang pustahan ngayon sa America ay kung ang presidente ng USA sa 2016 ay ang kauna-unahang babaeng pangulo.

••••••••••••

Huling hirit. Mga palaisipang… akala mo’y bastos.

“Bakit mo ako binibitin kung kelan kainitan at basang-basa ako?”
– SINAMPAY

“Painitin mo ako… kailangan kong pumutok para ako’y matikman at ika’y masarapan”
– POPCORN

“Paano mo ako matitikman kung hindi mo ako huhubaran?”
– SAGING

“Dilaan mo muna at lawayan para tumigas at mas madaling pumasok”
– SINULID

Advertisements

2 thoughts on “Pag may gusot, may palusot?”

    1. salamat, gigi. it’s not galing… it’s about giving 200% to please wonderful readers like you. cheers!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s