Advertisements

Obama – Ang Tindi ng Gimik

Hindi pa lumalabas… No. 1 na sa America

Hindi pa man lumalabas, ang librong  “No Easy Day: The Firsthand Account of the Mission That Killed Osama Bin Laden” ay number one na sa Amerika at daan-daang libong order na ang natanggap.

Hindi natutuwa ang mga opisyales ng Pentagon pagka’t ayon sa kanila maraming lihim ang ibinulgar ng libro tungkol sa mga taktika ng SEALs – ang matinding tropa ng US Navy na inatasang patayin ang terorista.

Ito’y isinulat ni Matt Bissonnette – isang dating kasapi sa SEALs at bahagi ng grupong pumatay kay Bin Laden. Ang gamit niyang pangalan sa bestseller ay Mark Owen.

Nagdadalawang isip ang mga abogado ng Pentagon kung kakasuhan si Matt pagka’t may posibilidad na mas maraming sikreto pa ang maaaring mabulgar habang dinidinig ang kaso.

 ••••••••••••••••

Kasabay ng libro ay papalabas na rin ang pelikulang “Zero Dark Thirty” na nakasentro pa rin sa US Navy Seals at sa kanilang pagsugod sa Pakistan noong Mayo, 2011 para patayin si Bin Laden, sa utos ni US President Barack Obama.

Ayon sa Judicial Watch Group, isang grupo ng mga aktibista, sobra-sobra daw ang inalay na tulong ng administrasyon ni Obama sa mga gumawa ng pelikula.

Dahil sobrang high tech ang America, napanood ni Obama ang bawat eksena sa pagtigok kay Bin Laden

Siguro, mas mainam kung tatahimik nalang ang grupo. Alam naman nating eleksyon sa Amerika at sa mga ganitong panahon… ang nasa isip ng bawat kandidato ay papaano pumapel nang husto. Kaniya-kaniyang gimik.  Epalistic din ang mga Kano, noh.

 ••••••••••••••••

“Wag mo kaming pakialaman”, ito ang galit na hirit ni Peping Cojuangco – pinuno ng Philippine Olympic Committee (POC) – nang binatikos ni Sen. Sonny Trillanes ang kakayanan ni Cojuangco at tinawag siyang pinakamalaking sagabal sa pag-asenso ng sports sa Pilipinas.

“Wag mo kaming pakialaman!”

Dagdag ni Trillanes na mula nang naging POC president si Cojuangco noong 2005, walang napanalunang medalya ang Pilipinas sa dalawang naganap na Olympics.

Dedma lang si Cojuangco sa mga batikos – at itutuloy ang kaniyang pagtakbo sa darating na POC elections para sa ikatlong termino bilang presidente.

Medalya? Mahalaga ba yon?

••••••••••••••••

Huling hirit. Sa kauna-unahang panahon, ang McDonald’s na sumikat dahil sa kanilang hamburger, ay magbubukas ng mga outlet na walang karne sa menu.

Vegetarian ang bagong imahe ng McDonald’s sa India para maakit ang nakakaraming mga Hindu na di kumakain ng karne. Sa relihiyon nila, ang mga baka ay sagrado.

In India, the potato-based McAloo Tikki, a best-seller

Sa kasalukuyan, maliit na merkado ang India para sa McDonald’s. Ang mga restoran nila dito ay 271 lamang samantalang 33,000 ang bilang sa buong mundo.

Baka kailangan na ring palitan ang pangalan nila. McGulay kaya?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: