Wanted – pero nakatakas!

May mga bigating pinaghahanap ang pulisya at sila’y binansaggang “Big 5”.

Ang bumubuo nito ay ang mga sumusunod:

1.      Dating Palawan Gov. Joel Reyes

2.      Coron Mayor Mario Reyes

3.      Dating AFP Maj. Gen. Jovito Palparan

4.      Dinagat Congressman Ruben Ecleo Jr.

5.      Delfin Lee ng Globe Asiatique

Ang magkapatid na Reyes ay wanted sa pagpatay ng brodkaster na si Gerry Ortega. Balita’y nakalabas na sila ng bayan at tumungo sa Vietnam noong Marso 18 gamit ang mga pekeng passport.

Papaano nakalusot sa Immigration? Isang dambulang misteryo pa rin.

 ••••••••••••••••

Nagluluksa ang mga naninigarilyo sa Australia.  May bagong batas na naguutos sa mga cigarette manufacturer na isa lamang uri ng pakete ang puwedeng paglagyan ng sigarilyo nila simula Dec. 1, 2012: ito’y walang logo o tatak, madilim na berde ang kulay, at may larawan ng pinsala sa kalusugan na dulot ng paninigarilyo.

Yosi-kadiri, mate!

••••••••••••••••

Imbes na mag-sorry sa paggamit ng ilang bahagi ng isang blog nang walang pahintulot, naghain ng panukala si Sen. Tito Sotto sa Senao para pangasiwaan ang pagba-blog sa bansa.

Blog ng ina nyo!

 ••••••••••••••••

Walang kasawa-sawa si Peping. Sa hearing ng Senado hinggil sa estado ng Philippine sports, binatikos ni Sen. Antonio Trillanes si Philippine Olympics Committee (POC) President Jose “Peping” Cojuangco sa kaniyang mahinang pamumuno at kakulangan ng progresibong programa.

Ito’y mapapatunayan daw sa pagkabigo ng Pilipinas na makabingwit  ng ni isang Olymic medal  sa mahabang panahon na si Cojuangco ang presidente.

Dagdag ni Trillanes na si Cojuangco ang “pinakamalaking sagabal sa pag-asenso ng sports sa bayan”.

Nagsimula ang termino ni Cojuangco noong  January 2005 at nagbabalak na tumakbo muli ngayong taon para sa kaniyang pangatlong termino.

••••••••••••••••

Kahit inamin noong isang linggo ni Manny Pacquaio na may pag-asang matuloy ang laban nila ni Floyd Mayweather, marami ang nagsasabi na ang malamang na makalaban ni Pacman ay  isa sa tatlong boksingero na atat-na-atat na pabagsakin siya. Ito’y si  Juan Manuel Marquez, Timothy Bradley o si  Miguel Cotto.

 ••••••••••••••••

Huling hirit. Sobrang sikat na talaga si Pacman. Mayroon pang nagbabalak na maglabas ng kakaibang libro – The Pacman Engligh-to-Pilipino Dictionary.

Narito ang sampol ng inilalaman nito:

Check in = manok

Duet = gawin mo

Quotes = tawag niya kay Freddie Roach

Cake = sipa

Pants = suntok

Wit = timbang

Leap = kaliwa

Letter = mamaya

Motor kid = pag ikot niya sa Manila

Noodle = sagot nya kay Kris sa gameshow na “Deal or No Deal”

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s