Mga Obispo – Mala Mafia?

Nagbanta ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na maaaring ituring na “heresy” o maling pananampalataya ang pagsang-ayon at pag-suporta ng 159 na propesor ng Ateneo sa RH bill. Hirit pa ng ilang obispo na dapat tanggalin sa trabaho at itiwalag sa simbahan ang mga gurong ito.

Parang bumalik tayo sa panahon ng “Inquisition”

Sa pinakahuling pahayag, pumanig ang administrasyon ng Ateneo sa simbahan, nilaglag ang mga propesor.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••

“Magarbo pero hindi overpriced.” Ito ang paliwanag ni Comelec chairman Sixto Brillantes sa ginastos para sa pitong commisioners’ cottages sa Baguio.

Ang gastos: P91,250 kada king-size bed x 7 piraso; P84,600 kada queen-size bed x 17 piraso; P694,589.72 para sa kurtina, at P340,552.35 para sa blinds.

Anong… overpriced?

Sa tingin nyo… hindi overpriced?

••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Suwerte ako at nagkaroon ng pagkakataong makilala at maka-“trabaho” ng 2 – 3 beses si Sec. Jesse. Ito’y noong aking pina-plantsa ang ilang mga ideya para sa Liberal Party. Simpleng tao – walang ka ere-ere. Pasok sa miting… kumuha ng saging… at agad sinabayan ang anthem na ginawa ko. Hindi siya bumitaw sa debate tungkol sa titik ng anthem kahit katunggali ay mga pilosopong kongressmen. Good sport: kahit kantyawan ko nang ilang beses ang suot niyang pink DILG T-shirt, natawa lang – di napikon.

Simpleng tao – walang ere

Mahirap ka malimutan, Sec. Jesse. Sana’y magkasalubong muli ang ating mga landas.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Kaka-recover pa lang ng labi, kapalit na ang nasa labi. Sa pagpanaw ni Sec Jesse Robredo, ang pangalan ng tatlong Kabitenyo ang lumutang para mamuno sa DILG: Sen. Ping Lacson, dating Cavite Gob Ayong Maliksi, at Cong. Jun Abaya.

••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Noong 1940, mayroong 1,200 na Hudyong German at Austrian ang suwerteng nakaligtas sa kamatayan — naiwasang mapasama sa 6 milyong mga pinatay sa utos ni Adolf Hitler.

Binuksan kasi ni President Manuel L. Quezon ang pinto ng Pilipinas at malugod na naglaan ng visa para sa hanggang 10,000 mga Hudyo – para dito manirahan at magtrabaho.

Kasabwat ni Quezon sa pagsagip sina American High Commissioner Paul McNutt, at si Herbert Frieder, may-ari ng Helena Cigar and Cigarette Factory sa Pilipinas na nagbigay ng trabaho at matitirhan sa mga Hudyo – pati na mga paaralan para sa kanilang mga anak.

May libro pang lumabas tungkol sa pangyayaring ito

••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit. Tama lang na bigyan ng state funeral si Sec. Jesse. Sabi nga ng brodkaster na si Ali Sotto, “Ako’y lumuluha para sa isang taong hindi ko man lamang nakilala – tulad ng napakarami pang ibang Pinoy. Nagpapatunay na ang buhay at kuwento niya ay pambihira at karapat-dapat tularan.” Ang huling nabigyan ng state funeral ng pamahalaan ay si dating pangulong Diosdado Macapagal noong 1997.

Advertisements

5 thoughts on “Mga Obispo – Mala Mafia?”

  1. Another great Chubibo edit, Dennis.

    For as long as the church imposes their twisted ideology & establishments give in then this country will never really move upward!!! Thanks much for exposing CBCP.

    Re Sec. Jesse…why are the good & decent ones are the first to go? …to lobby for the corrupt left on this decadent world!

    Enjoy the weekend.

  2. Interesting comparison, Dennis! Reminds me too of school bullies – when they don’t get their way, they intimidate those who go against their ideology. Supporting the passing of the RH Bill is neither an assertion nor imposition of one’s point of view in life. It is having the real capacity to understand and embrace the human rights to be free of coercion, violence, discrimination, the right to protect one’s state of physical, emotional, financial, mental and social well-being in relation to sexuality. Sad, ideology really gets in the way of progress – economically, creatively and yes, even spiritually. I respect all kinds of religion but I just believe that having a strong Faith, stems from having a direct spiritual relationship with your Creator, nothing or no one should come between your faith and yourself.

    1. Hi, Matt! It’s been so long since I last heard from you… and you’re still the intelligent young lady who fearlessly speaks out her mind.
      Keep it coming. Never change.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s