PULBOS NG SAMPAL

Nakakahiya ka, Robert Blair Carabuena!

Si Carabuena ay isang executive ng Philip Morris.   Siya ang nasa kaliwa ng larawan.

Huling-huli si Carabuena habang pinupulbusan ng mura at sampal si Saturnino Fabros, isang MMDA traffic enforcer.

Sinita ni Fabros si Carabuena nang hindi nito pinansin ang stop light sa kanto ng Capitol Drive at Tandang Sora sa Quezon City.

Sabi ni MMDA Francis Tolentino na kakasauhan nila si Carabuena ng direct assault na may parusang pagkulong ng anim na buwan hanggang anim na taon.

Dahil sa init ng ulo, malaking pagbabago ang mangyayari sa buhay ni Carabuena.

 •••••••••••••••••••••••••••••••

Noong Agosto 13, ipinagdiwang ng mundo ang International Left-Handers Day o Araw ng mga Kaliwete.

Eto ang ilan sa mga kilalang kaliwete:  Barack Obama, Bill Gates, Oprah Winfrey, Babe Ruth, Napoleon Bonaparte, Leonardo da Vinci,  at si Jimi Hendrix.

 •••••••••••••••••••••••••••••••

Inyo na ang medalya! Ilan sa mga atleta na lumahok sa London Olympics ay nawawala. Tatlong taga-Guinea at tatlo pang taga Ivory Coast ang nadagdag na sa 11 Congolese at Cameroonians na hinihilaang nagtatago at may pakay na magbagong buhay sa Europa.

Saan na kaya sila nakarating?

Inalerto na ang British Police pero sabi ng  London Olympic organizing committee ay sa Nobyembre pa mapapaso ang mga visa ng mga atletang nawawala – o nagtatago.

•••••••••••••••••••••••••••••••

Report card.  Inilabas ng Makati Businesss Club ang pinili nilang mga kahanga-hangang ahensiya ng gobyerno. Ang nangungunang anim at ang kanilang antas:

Bangko Sentral ng Pilipinas, 94.6 percent;

Department of Tourism, 81.8 percent;

Department of Budget and Management, 70.9 percent;

Department of Labor and Employment, 56.3 percent;

Senate, 49.1 percent;

Department of Public Works and Highways, 30.8 percent;

Ang pinakamatinding ipinakita ay ang DOT na tumalon mula dating puwesto na ika-32 at inangkin ang ika- 2 puwesto.

DOT Sec. Mon Jimenez

Mabuhay ka, Sec. MonJ!

 •••••••••••••••••••••••••••••••

Habang ang mga weather forecaster ng Pagasa ay nagtiyatiyaga sa suweldong mababa pa sa family drivers, ang suweldo ng mga drivers ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ay umaabot ng sing-taas ng P97,000 kada buwan. Ito ay dahil sa napakaraming illegal allowances na natatanggap nila.

•••••••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit. Nakaw sa internet. Mayroon gustong pasiklabang chick si Erap. Naisip niya… para agad bumilib, gagawa ako ng “love letter” na gamit and alphabet:
ABC – Always be careful
DEF – Don’t Ever forget
GHI – Go Home Immediately
JKLM – Just Keep Loving Me
NOPQRSTUVW – No One Perfectly Quite Romantic Should Treat U Very Well
Napa-whew at pinagpawisan si Erap. Tatlong titik na lang and natitira…XYZ.

Pinag-isipan ito nang husto ni Erap. Makalipas ang oras, napangiti siya at pinalakpakan ang kanyang sarili bago sinulat ang:

XYZ – Xee You Zoon!!

Advertisements

2 thoughts on “PULBOS NG SAMPAL”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s