POC – Resign!

Sobrang lungkot ng mga Pilipino ngayong linggo dahil sa walang tigil na ulan sa Metro Manila.

Maraming nawalan na naman ng mga tahanan.

Maraming pamilya ang nagkahiwa-hiwalay.

Nguni’t maraming mga bagong bayani rin ang bumangon at muling tumulong at sumaklolo.

••••••••••••••••••••••••••••••••

Sa kabilang dako, ang sasaya naman ng mga opsiyales ng Philippine Olympic Committee. Dahil sa walang tigil na ulan – at sa paghahanda ng mga mamamayan sa anumang delubyong maaaring dala nito – hindi na nagkaroong pagkakataon na batikusin at sisihin ng marami sina Peping Cojuangco at iba pang opsiyales ng POC sa masamang pakita ng Philippine team.

••••••••••••••••••••••••••••••••

Mula nang sumali ang Pilipinas sa Olympics noong 1924, siyam na medalya pa lamang ang napapanalunan natin – at hanggang ngayon, walang ginto. Unang medalya natin ay isang bronze na napanalunan sa swimming noong 1928 – kauna-unahang medalyang napanalunan ng isang bansa sa Southeast Asia. Dalawang beses namang nanalo ng silver ang mga Pilipino – ang pinakahuli noong 1996 nasungkit ni Onyok Velasco sa boksing.

••••••••••••••••••••••••••••••••

Ang nakakagulat ay halos 100 milyong tao na sa Pilipinas – pero parang butas ng karayom ang dinadaanan natin makadiskubre lang ng pwedeng lumaban sa Olympics.

At wag na wag naman sanang gawing dahilan na mahirap lang kasi tayo.

Ang bansang Kenya ay di hamak na mas mahirap pa sa atin – mais at tubig lang ang pangkaraniwang kinakain ng mga tao. Pero halos lahat ng pinakamagaling sa marathon running champions ay galing sa bansang ito.

Maraming mga kampeong boksingero naman ay galing din sa mahirap na bayan ng Kazakhstan. Ang lakas nila, galing sa paboritong karne ng kabayo.

Matinding sipa ang dulot ng karne ng kabayo sa mga boksingero ng Kazakhstan

Tulad ng matandang kabayo na mahina na ang tuhod, kailangan nang magbitiw lahat ng opisyales ng POC. Puro kahihiyan na lang ang laging pasalubong sa atin. Baka kasi ang laging inuuna ay ang dobol “B” – budget at biyahe. Nalilimutan ang pinakamahalagang maaambag nila sa ating mga batang manlalaro – inspirasyon.

••••••••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit. Ang mga Amerikano ay magaling talaga sa politika at gimik.

Nang napansin ng kampo ni Obama na agrabyado sila sa “fund-raising” ($75-M pa lang ang natatanggap na kontribusyon ng tropa laban sa $101-M ng katunggali)… dalawang matinding balita ang agad-agad kumalat – ang pag landing ng “Curiosity” sa planetang Mars at ang darating na pagpapalabas ng “Zero Dark Thirty“ ang kapana-panabik na pelikula tungkol sa paghuli at pagpatay kay Osama bin ladin. Umuugong ang balita na ang White House pa ang pinanggalingan ng detalye ng operasyon.

Kanya-kanyang pakulo lang talaga!

Advertisements

2 thoughts on “POC – Resign!”

  1. Poverty is not a hindrance to success..it should be a challenge. Kailan pa kaya Lord? Isipin sana nila ang maga mahihirap na bansa na naging matagumpay at ang mga mayayamang bansa na galing sa hirap na umasenso, example..Japan, Singapore …

  2. Let me get this straight.

    Since 1924 we’ve been sending a Philippine contingent to the Olympics and we’ve only achieved 9 medals.

    Ang katanungan, magkano ang budget kada byahe para sa Olympics?

    Tapos, i-dibaydibay ito sa mga 9 na medalya na ating nabingwit.

    Yan ang tinatawag ng boss ko na “Cost of Acquisition” ng 9 na medalya mula ng 1924.

    Tama bang gastusan pa yan ng Sambayanang Pilipino?

    -0-

    Madako naman tayo sa Mars Curiosity. Malamang eh alam mo na din ang nakakatabang pusong Pinoy na kasama sa proyektong ito. Sya ay si Gregory Galgana Villar III. Ayon sa balita, “He was at the Entry, Descent, and Landing (EDL) control room at NASA.”

    Di ba eh malaking karangalan yan para sa isang 25 anyos na galing pa sa Lungsod ng “Dyay ti banger”?

    Pero dahil proyektong ito, at sa nakalipas lang na kalamidad sa ating bansa na kung saan pinagpipilitan ng Simbahan at ilang pulitiko ang relasyon nito sa Biblia, eh di kaya ma-discover ng Mars Curiosity ang “tubig” na dati rati’y meron daw sa Mars, dahil sa nagkalat na riverbeds?

    Kapag nadiskubre nila ang “tubig” na ito, ang isang pinakamalaking implikasyon nito ay ang ebidensya na may “buhay” sa Mars, o di kaya’y nagkaroon ng “buhay.”

    Pag nagkataon, kuryente na naman ang mga pari.

    Hindi lang pala tayo ang nilalang sa buong solar system na ito.

    Malamang eh magkaroon na talaga ng tunay na saysay ang kompetisyon na “Miss Universe.”

    Pag nakataong muli, malamang eh kelangang magkaroon ng reboot ang “Ikaw Ang Miss Universe.”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s