Aray ko po… bayan!

Lahat ay nagulat nang bigla nalang tinira ni PNoy si kabayan Noli de Castro nang siya’y pumasyal sa ika-25 anibersaryo ng TV Patrol.

“Kung gabi-gabing bad news ang hapunan ni Juan dela Cruz, talaga namang mangangayayat ang puso’t isip niya sa kawalan ng pag-asa,” sabi ni PNoy.

“Ilang turista kaya kada buwan ang nagka-cancel ng bakasyon dahil sa araw-araw na negatibismo? Ilan kayang kababayan ang nawawalan ng pagkakataong magkaroon ng kabuhayan dahil sa bad news na ito?”

Madalas kasing humihirit si kabayan sa balitang binabasa niya sa ere – kadalasan may padaplis na negatibo sa pangulo. Imbes na “news reader” ang papel niya – nagiging “news analyst”.

Okay lang sana, madalas lang niyang nalilimutan na anim na taon din siyang nagsilbi sa pamahalaan at tinatanong ng marami kung ito ba’y nagbunga ng maganda.

Bago pumuna, magpakita muna ng kabutihang nagawa… bayan.

•••••••••••••••••••••••••••••••

Mukhang matagumpay ang anti-epal campaign ni Juana Change. Ito ang pagpuna at pagbatikos sa mga naglalakihang mga billboard sa Metro Manila na ang tunay na pakay ay ikampanya nang maaga ang ilang nakaupong kakandidato sa darating na eleksyon.

Naunang target ng kampanya ay ang Paranaque at may resulta agad. Pumayag na ang ilang “epal” na tanggalin ang kanilang mga billboard. Pero hanggang kailan kaya?

Ang dapat sugurin ni Juana ay ang Quezon City. Ito na ata ang pinaka-langit ng mga epal.

•••••••••••••••••••••••••••••••

Malungkot na ang gabi ni Angelica, pero kabaligtaran naman siguro ang kay Ruffa. Balita’y siya st si Derek na.

Boto naman kaya ang Pambansang Bunganga?

•••••••••••••••••••••••••••••••

Bulung-bulungan na suportado diumano ng Malacanang ang muling pagtakbo ni Gloria Macapagal-Arroyo bilang congressman ng Pampanga sa darating na halalan.

Kaya raw hindi tumutol ang Palasyo nang pinayagan ng korte na siya ay magpiyansa at makalaya sa pagkakapiit sa Veteran’s Hospital.

Kina-kareer ni GMA ang pagsuyo sa kaniyang mga kabalen. Sinimulan nang binagyo ang Pampanga.

At ang kampanya niya ay tuluy-tuloy lang… sa Facebook.

•••••••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit. Abalang-abala ang Department of Health sa pagsagot ng napakaraming tanong.

Mayroon kasing tatlong diablong sabay-sabay na umarangkada.

Una, ang Pilipinas ngayon ang isa sa pitong mga bayan kung saan tumaas ang paglaganap ng HIV ng 25% o higit pa, ayon sa UNDP.

Kumpirmadong mayroon na sa ating 9,669 kaso ng HIV. Ang 87% nito ay dala ng pagtatalik ng lalaki sa lalaki – na walang proteksyon.

Ang Pilipinas din ang may pinakamaraming di-inaasahang pagbubuntis ng mga teenager.

Dumoble rin sa antas ng 200 ang bilang ng namamatay habang nanganganak, kasama na ang di matagumpay na abortion.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s