Maganda ang gising ni GMA!

Pinayagan nang magpiyansa si GMA at nakalaya na sa pagkakapiit sa Veterans Hospital. Tsismis ng ilan ay narinig daw nila ang dating pangulong umaawit habang nagbibihis. Ganado’t uwing-uwi na. Ang kanta: “Umagang Kay Ganda “.

“Basta’t tayo’y magkasama…”

Habang sa Malacanang, ibang himig ang narinig – “Babalik Ka Rin”.

•••••••••••••••••••••••••••••••••

Sa nakaraang SONA, espesyal na pasasalamat ang handog ni PNoy sa ilang miyembro ng gabinete. Kabilang dito si Energy Secretary Jose Rene Almendras, Agriculture Secretary Proceso Alcala, Kalihim ng Science at Technology Mario Montejo, Health Secretary Enrique Ona at Tourism Secretary Ramon Jimenez.

Pinasalamatan din si Education Secretary Armin Luistro, ang gobernador ng ARMM (Autonomous Region in Muslim Mindanao) si Mujiv Hataman at ang TESDA director general Joel Villanueva.

Syempre, hindi nalimutan ang matalik niyang kaibigang si Sec. Mar Roxas ng DOTC.  Hirit ni presidente, “Pangako ni Sec. Mar Roxas, ayos na ayos na ang magarang NAIA 3 bago sumapit ang aking susunod na SONA.”

Mayroong nagtaas ng mga kamay at pumalakpak. Mayroong ilan-ilan na ang siyang tinaas ay kanilang mga kilay.

Sige lang… sige lang… itaas ang kilay

•••••••••••••••••••••••••••••••••

Puwedeng ‘pagmalaki sa buong mundo. Hindi si Pacman o si Donaire o si Lea Salonga ang aming tinutukoy, kundi si – Don Papa. Ang Don Papa ay isang bagong rum na sadyang ginawa para sa mga pinaka-pihikang mang-iinom sa buong mundo. Ito’y gawa sa primera klaseng asukal ng Bacolod. Bote palang, first class na ang dating.

Pero dahil napakataas ng kalidad – hindi para sa lahat.

Mahal?

Kaya nga may “don” ang pangalan, noh? Kung barya-barya lang ang patak-patak, kapatid, eh…Tio Papa nalang ang itinawag dine.

•••••••••••••••••••••••••••••••••

12 ang patay at 58 ang sugatan nang pinaulanan ng bala ang isang sinehan sa Colorado habang dito’y pinapalabas ang pinakabagong Batman movie. Ang kinakataka ng mga eksperto ay papaano nakabili ng halos 6,000 bala ang may pakana ng masaker – si James Holmes, isang 24-anyos na estudyante.

•••••••••••••••••••••••••••••••••

Habang kalbaryo ang magtayo ng negosyo rito sa Pinas  – kabaligtaran naman sa Indonesia. Kamakailan, inutusan ng pamahalaan doon ang lahat ng bangko na magbukas ng “special division” na tanging gagawin ay ang puhunanan ang mga negosyanteng pakay ay lalong paangatin ang umaatikabong ekonomiya. Pinagaan ang kalakaran… hindi binigatan.

•••••••••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit. Maraming OFW ang nagtampo nang hindi sila pinarangalan o binanggit man lang ni PNoy sa SONA. Ang buhos-puri ay inalay sa mga nagsisilbi sa BPO industry o call centers. Dedma nalang ang mga OFW, sabay sundot “weather-weather lang… text-text at tawagan nalang sa susunod na krisis”.

“Pa-kontak nyo na lang kami sa call center pag may krisis…”
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s