SONA… o… Saan Na?

Nananabik ang marami sa SONA ni PNoy sa Lunes.

“Puro pangako na naman kaya?”, tanong ng marami.  Sa gabundok na OPM (O, Promise Me) kasi, kakapiranggot pa lang ang natutupad.  

Mula 2010, halos 100 extra-judicial killings na ang naganap nguni’t wala pa ring napaparusuhan. Pangako’y hindi na aangkat ng bigas sa ibang bayan – nananatiling OPM pa rin. Pangako’y tuwid na daan – nguni’t baluktot pa rin ang maraming ahensiya ng pamahalaan tulad ng Pagcor at DENR.

Ang masigasig na tinututukan lang ata ay ang pagpapanagot sa mga diumano’y tiwali tulad ni GMA, dating FG Mike Arroyo, dating Comelec chief Ben Abalos at ang kaka-impeach lang na si Chief Justice Corona.

Panalangin ng sambayanan sa ika-3 SONA ng administrasyong ito: sana’y may saysay ang bawa’t pangako at hindi lang puro salita.

••••••••••••••••••••••••••••

Bumubukol… deadly weapon? Si Jonah Falcon ay pinahinto at paulit-ulit na kinapkapan sa San Francisco International Airport noong July 9 dahil sa misteryosong bumubukol sa kaniyang pantalon.

Pero hind naman pala bomba o baril o toothpaste ang karga ng 41-anyos na New Yorker. Natuklasan na ari pala ni Falcon ang nakabakat.

Ayon sa isang documentary na gawa ng HBO, ang ari ni Falcon ay pinakamahaba sa mundo. Pinarangalan pagka’t ayon sa mga saksi, ito’y 9 inches ‘pag nagpapahinga… 13 ½ inches naman pag nagalit.

Alang katapat ang deadly weapon ni  Falcon!

 ••••••••••••••••••••••••••••

Pinag-aaralan ng NTC na tanggalan na ng expiration date ang mga “load” para sa cellphone. Ang katuwiran: kung bayad  na rin naman, ba’t may hangganan?

Maingay na tumututol ang mga service provider at ang mga nagbebenta ng “load”. Malulugi daw sila “kuno” dahil titipirin ng pre-paid users ang kanilang “load” at hindi basta-bastang magdadagdag.

Ano naman ang masama sa pagtitipid?

 ••••••••••••••••••••••••••••

Ang pinakahihintay ng bayan – naudlot: ito ang halikan ng dating magkasintahan na si Dawn Zulueta at Richard Gomez, sa teleseryeng “Walang Hanggan”.

“Ayaw.”

Si Dawn ang umayaw… nakakahiya raw sa mister niyang si Anton Lagdameo. Sorry, Goma, hanggang sa isip na lang siguro ang pagbabalikan ng mga labi n’yo ni Dawn.

 ••••••••••••••••••••••••••••

Showbiz pa rin. Tuluy-tuloy ang giyera ni Amalia Fuentes at Anabelle Rama.

Nguni’t sa isang aspeto,  ang isa sa kanila ay aminadong talo.

“I cannot match her bad mouth”, hirit ni Amalia.

Walang tatalo?

 ••••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit. Sa isang flight ng Delta Air tungong America at galing sa Amsterdam, ilang pasahero ang may nadiskubreng karayom sa turkey sandwich nila. Malamang, isang dating sastre o nagbuburda ang teroristang may pakana nito.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s