Walang parangal – dahil sa bading roles?

Binulgar ni Cecile Guidote-Alvarez na – noong panahon ni GMA – nang pinag-tatalunan ng mga namamahala ng National Artist Awards kung pararangalan si Dolphy, matinding nagprotesta diumano ang dating CCP President na si Nicanor Tiongson.

Si Nicanor Tiongson ay matinding tumutol na parangalan si Dolphy – ayon kay Cecile Guidote-Alvarez

Sabi raw ni Tiongson na hindi karapat-dapat si Dolphy dahil sa pagganap nito bilang bading sa napakaraming pelikula. Ito raw ay nag resulta sa hindi magandang imahe ng mga bakla.

May 65-taon sa showbiz, si Dolphy ay nagsimulang gumanap na bading noong 1954 nang siya ang bida sa pelikulang “Jack and Jill.”

Ito’y nasundan ng iba pang gay roles tulad ng “Susanang Daldal” (1962), “Pepe En Pilar” (1966), “Facifica Falayfay” (1969), “Kangkarot” (1969), “Karioka Etchos de America” (1971), “Fefita Fofonggay viuda de Falayfay” (1973), “Sarhento Fofonggay” (1974), “Jack n’ Jill of the Third Kind” (1978), “Ang Tatay Kong Nanay” (1978), “Darna, Kuno?” (1979), at ang pinakahuli – “Markova Comfort Gay” (2000).

Dahil sa kabadingan na hindi natipuhan ng mga naghuhusga, nilaglag ang “Comedy King”. Mas nagustuhan pa nilang gawing National Artist ang machong-macho, “massacre-king” na si Carlo Caparas.

Pero si Dolphy ay mananatiling National Artist doon kung saan mas mahalaga: sa puso ng milyun-milyong Pilipino pinasaya niya.

••••••••••••••••••••••••••••••••••

Nakaka-irita. Nagkakandarapa ang mga estasyon ng radyo at telebisyong unahan ang isa’t isa sa anumang balita tungkol sa Comedy King.

Marami tuloy sa kanila ang nabubuking na mababaw at kulang sa talino.

Nagbibitaw ng  opinyon na  tagilid.

Ang mga tanong sa mga iniinterbyu ay katawa-tawa – “Nalulungkot ba kayo sa pagpanaw ni Mang Dolphy?”

Nahuli ko ang isang panayam kay Ms. Boots Anson-Roa kung saang pilit na inuungkat ng nag-iinterbyu sa kaniya ang lalim ng kanilang pagkakaibigan.

Pati noong panahon ng Hapon.

Bingi ata ang brodkaster dahil paulit-ulit na giniit ni Ms. Boots na – noong mga panahong iyon – ang matalik na kaibigan ni Dolphy ay ang kaniyang daddy.

Kulang sa “research”. Sobra sa gigil na maisahan ang ibang taga-media.

Bobo.

••••••••••••••••••••••••••••••••••

KKK. Kaniya-kaniyang kalakal? Dinudugo ang pamahalaan sa pagbuwag sa illegal na itinayong West Cove Resort sa Boracay.

At bakit hindi… ang utos ni DENR Secretary Ramon Paje na patigilin ang operasyon nito at isara ay matinding nilalabanan ng mga local officials sa lugar – katulong ang ilang mga mabibigat na tauhan ng… DENR.

••••••••••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit. Naghalong lungkot, inggit at ngitngit ang naramdaman ko habang binabasa ang mga headline ng isang pahayagang Indonesian. “Jet Maker Investing in Indonesia”.”Genting to Develop $1-Billion Power Plant”. “$2-Billion Investment to Boost Nickel Output”. Masisisi n’yo ba ako?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s