Advertisements

Bagong mga casino – bad news?

Ang karamihan sa mga bilyonaryo natin ay abalang-abala sa mga bubuksan nilang casino. Ang press release – ang pagsusugal ang siyang susi para dumami ang mga turista at trabaho sa Pinas.

Hindi nila nasama ang ibang dadami pa: hiwalayan ng mga mag-asawa, suicide, kapabayaan ng mga anak, at krimen tulad ng holdap, carjacking, snatching at kidnapping.

••••••••••••••••••••••••••••••••••

Sa isang pahayagan sa Vietnam, nalathala na tuwang-tuwa ang mga mayayamang Vietnamese sa kanilang mga Pinay DH. Para sa kanila, mahirap daw isipin na tatanggap sila ng kasambahay na hindi Pilipina. Matutuwa na rin sana ako hanggang na-getch ko ang tunay na mensahe: hello, Philipppines… napag-iwanan ka na ng mga karatig-bansa mo. Behhh… buti nga.

••••••••••••••••••••••••••••••••••

Todo-todong ipinagmalaki ng Cebu Pacific Air ang pagkakaroon na ng inflight wi-fi services ang ilang flights nila simula July 3. Sorry po. Para sa kaalaman ng airline, lumang balita na yan sa mga bus nating matagal nang may wi-fi.

••••••••••••••••••••••••••••••••••

Wagi na naman ang Pinas. Pinili ng Vogue magazine (UK) ang Aiara Island bilang No. 1 na pinaka-bonggang destinasyon sa mundo. Ito ay isang pribadong isla sa Palawan – 257 kilometro ang layo sa Manila.

Kung kayo’y magbabarkada na di kukulangin sa walong katao, maaaring arkilahin ang buong isla ng isang linggo sa halagang $450 kada tao, kada araw. Libre ang lahat ng pagkain na hahandain ng isang kilalang Swiss chef.

Ang daming maaaring gawin: may water sports (wakeboarding, kayaking, jetskiing, windsurfing), island hopping, fishing, snorkelling at diving. May 30 employado na handang kayo’y pagsilbihan.

Ayos, may destinasyon na. Kulang na lang, isang lotto ticket – na mananalo.

••••••••••••••••••••••••••••••••••

Kung pumikit kayo… malamang hindi n’yo napuna. Sa pelikulang Slumdog Millionaire… kapansin-pansin na walang logo ang kotseng Mercedes Benz na nakunan sa isang squatter area sa India. Ang tatak ay pinaalis pagka’t ayaw daw “mabahiran” ang imahe ng Mercedes.

Heil, suplado!

••••••••••••••••••••••••••••••••••

Nag-Facebook, na-tigok. Binandera ni Maynardo Valdez ang mga litrato niyang kuha sa Boracay habang ipinagdiriwang ang reunion ng high school class niya. Problema, nabuking ng mga amo niya na apat na araw din pala siyang walang paalam na nawala sa tanggapan ng Philippine Information Agency (Nueva Ecija) kung saan siya ang manager. Masama pa, sinarahan niya ang opisina – sa eksaktong petsa ng kaniyang biyaheng Boracay.

Kaya tanggal sa puwesto si Valdez. Ang tanging konsuwelo: puwede na siyang mag-Facebook nang araw at gabi na walang sisita.

••••••••••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit.  Kung naponood n’yo na ang musical na “Rock of Ages”, malamang bumilib kayo sa talento ng Pinoy.  Walang katapat!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: