Alis t’yan sa Pakistan!

Ang trasdisyon na sinimulan ni Ping Lacson noong siya pa ang PNP Chief ay nabuhay na naman.

Sa Pakistan.

Sinukatan kamakailan ang baywang ng mga pulis sa Islamabad, Pakistan at 25% sa 5,000 miyembro ng kapulisan ang hindi pumasa sa tinakdang maximum waistline na 38 inches.

Samantala, sa ating PNP, natuklasan na 3,000 sa kapulisan ay sobra sa timbang at marami ay may diabetes, mataas ang presyon at ga-mantika ang cholesterol.

Inutusan silang mag-diyeta pagka’t sa katabaan… hindi na nila kayang habulin ang mga kriminal.

Sa pag suot pa lamang ng medyas, hirap na hirap na sila.

Papaano na kaya sila ‘pag natuloy si Ping sa DILG?

••••••••••••••••••••••••

Pasalamat pa rin tayo. 52% ang antas ng unemployment sa Greece dahil sa krisis ekonomiya sa bansang iyon.

••••••••••••••••••••••••

Na naman… sa ika-limang taon, ang pinakayamang Pinoy ayon sa Forbes Asia magazine ay si Henry Sy, 87, may yamang $9.1 billion.

Pumapangalawa si Lucio Tan, may yamang $4.5 billion. Si Ricky Razon ang sa ika-tatlong puwesto at may $3.6 billion.

••••••••••••••••••••••••

Iwas-Arizona ang mga TNT. Kabilang ang mga Pinoy na TNT (tago-nang-tago) at ang mga illegal alien ng ibang bayan.

Ang dahilan? Pinayagan na ng Supreme Court ang mga opisyales ng immigration na mag spot-check sa papeles ng sinuman sa Arizona.

Sa maraming TNT, mabuti na ang umiwas kaysa mapauwi… na naka-posas.

••••••••••••••••••••••••

Ang pasaway na asal ni GMA na kinundena ng mga kakampi ni PNoy dati – balik sa administrasyon ngayon.

Ito ang pag re-appoint ng mga opisyales na di nakakalusot sa Commission on Appointments.

Kabilang dito sina DSWD Secretary Dinky Soliman at Justice Secretary Leila de Lima (walong beses na), DILG Secretary Jesse Robredo (apat na beses), Tourism Secretary Ramon Jimenez Jr. (tatlong beses), Audit Commissioner Heidi Mendoza (apat na beses), at Environment Secretary Ramon Paje (limang beses na).

••••••••••••••••••••••••

Huling hirit. Kawawa ang mga OFW nating bumubuhay sa ating ekonomiya.

Ang mga paalis, tratong kriminal ang nararanasan sa immigration counter. Dahilan ng isang bastos na immigration officer, “Papaano, marami sa inyo ang nagkakalat sa ibang bansa.”

Hello, engot, sa 9 milyon nating OFW, imposible na lahat ay mga anghel at santo.

Sa 9 milyon nating naghahanapbuhay sa ibang bayan, mahirap naman atang lahat ay mga santo at anghel!

Ang mga umuuwi naman para sa vacation leave nila, dinudugo. Papakuhanin ng P110 na Overseas Worker Certificate. Sa POEA office pa, puwede naman sa airport na mismo.

Kung kasama ang mga anak, kung anu-anong papeles ang hahanapin. Pati kontrata, uusisain.

Kaya naman, maraming mga OFW ang hindi na lang umuuwi at sa ibang bayan nalang nagbabakasyon. Kawawang mga bagong bayani!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s