Advertisements

Lungkot sa halagang $26M?

Mahirap dapuan ng lungkot kung mayroon kang higit sa $26M na idedeposito sa bangko.

Ito marahil ang pakiramdam ni Pacman tapos ng laban niya.
Kaya hindi na siya nag-protesta sa hatol ng judges.

Ang tumalo sa Pambansang Kamao? Miyembro ng Wheelchair Club ni GMA, Corona, FG, atbp?

Umuugong tuloy ang balita na pera-pera lang ang kaduda-dudang pagkatalo ng pambansang kamao.

Sabi ng marami: kung nanalo si Pacquiao, ang pupuntiryahin lang ng kampo niya ay ang laban kay Floyd Mayweather. Malabong matuloy.

Kung matalo naman si Pacman – na siyang nangyari – sigurado na ang tumataginting na $30M para kay Pacquiao na dala ng rematch.

Marami naman ang humihirit na na-karma si Manny pagka’t hindi “convincing” ang kaniyang panalo noong nakaraang laban kay Manuel Marquez.

Saan man kayo maniniwala, mayroon tayong kailangang tanggapin: si Pacquiao ay tao lamang. Isang araw, magiging akma at bagay na rin sa kaniya ang walang kupas na awit ni Florante, “tatanda at lilipas din ako…”

May sorpresa para kay Mommy Dionesia!

Sa post-fight interview kay Pacman…

Reporter: Natalo ka man, may uuwi ka pa ring $26M. Anong pasalubong mo kay Mommy Dionesia, Manny?

Manny: Ibon syempre. Mahilig sya dun e.

Reporter: Ibon? Anong klaseng ibon?

Manny: Yung mga lipstek, pangmik up ba? Basta mga Ibon products! Yo know…

Ang Philippine AirAsia ay desididong sungkitin ang puso ng mga pasaherong Pinoy.

Magsisimula na ang biyahe nito mula Clark tungong Hong Kong at ang pamasahe ay binagsak sa P688 – “all in”. Nguni’t mula June 13 – 19 lang ang booking period.

Naku po, presyo lang ito ng 1/5 na steak sa Tsukiji, ang paboritong Japanese steakhouse ng dating First Gentleman.

Tumututol ang marami sa diumanong plano ng DMCI na itayo ang Torre de Manila, isang high-rise condominium sa Ermita. Kita kasi sa mga plano na masisira ang kahanga-hangang tanawin ng Rizal Park.

Papaano naman, ang dating bughaw na ulap, berdeng damo at mga puno na “background” ng monumento ni Jose Rizal sa Luneta ay mapapalitan ng isang gahiganteng gusali ng semento, bakal at salamin.

Hula who. Balasahan sa gabinete ang pinag-uusapan ng marami habang nagpapatila ng ulan. Si Sec. Rene Almendras ng Department of Energy kaya sa Presidential Management Staff ? Si Sen. Kiko naman sa Agriculture? At tama bang magdabog ang mga jueteng lords at crime syndicates sa balitang si Sen. Ping Lacson ang mamumuno sa DILG?

Ang isa pang grupo na nakasimangot ay ang mga mahilig magbitbit ng baril – alam nila na malamang na patigil ni Ping ang kanilang “permit to carry”. Sorry na lang po.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: