Advertisements

Kami bayad multa – kayo bayad buo!

Simula sa June 15, ang mga domestic airline ay maaaring masuspindi o pagbayarin ng multa kung may pasaherong hindi makakalipad dahil sa overbooking o kung hindi hahayaang magre-book o humingi ng refund ang sinumang lilipad.

Ang multa ay P5,000 kada “bumped off” na pasahero.

Higit pa rito, kailangang bayaran ang bawat hindi nakasakay – dahil sa overbooking – ng P5,000 para sa domestic flights at P10,000 para sa international.  Kailangan ding ibalik sa pasahero ang 100% na natitirang halaga ng kainyang airline ticket.

Nagbabanta ang mga airline na tatanggalin na nila ang budget fares kung hindi na makakahirit sa hakbang ito.

O, sige nga?

••••••••••••••••

Headline ng isang tabloid: “Party-List for sale! P1 Million para ma-accredit”.

Aba, may sale pala… nagbaba ng presyo ang mga damuho? (Hindi kaya kayo lugi dyan, serr?)

••••••••••••••••

Dahil sa nakaraang impeachment hearings, sabik ang taong-bayan ngayon na kalampaggin ang tunay na istado ng kayamanan ng mga nagsisilbi sa pamahalaan.  Kaya naman maingay na sumisigaw ang marami, “Sa waiver, pumirma”. Ito’y hamon sa mga hinalal natin na payagan ang mga bangkong buksan ang kanilang mga bank accounts para magkaliwanagan kung may “himala” na nangyayari.

May ilang pumirma na: si Senators Francis Escudero, Antonio F. Trillanes IV, Ramon Bong Revilla Jr. at Alan Peter Cayetano. Si Rep. Teddy Casiño, Rep. Neri Colmenares, Anakpawis Rep. Rafael Mariano, Gabriela Women’s Party Rep. Luzviminda Ilagan, Emmie de Jesus, ACT Teachers Party Rep. Antonio Tinio at Kabataan Party Rep. Raymond Palatino.

Madami ring tutol. Kabilang sa mga ayaw pumirma si Pangulong Benigno S. Aquino, si Senate President Juan Ponce Enrile at si Rep. Niel Tupaz.

••••••••••••••••

Wala palang katotohanan sa balitang kumalat na nabili na ni Manny Pangilinan ang GMA 7. Nagsanib-puwersa lang pala ang Kapuso at Kapatid networks sa isang proyekto sa Amerika. So, ayan. Tuloy ang saya. Tuloy ang intriga kung sinong sisibakin sa dalawang estasyon at kung sino naman ang bibingwitin mula sa Kapamilya station.

••••••••••••••••

Huling hirit. Excited na ang lahat ng kababayan natin sa buong mundo sa laban ni Pacman ngayong linggo. Mula San Diego hanggang New York… Dubai hanggang Jakarta… pinapalamig na ang mga beer at hinahanda na ang tsibog para mas nakakagana ang rambol. Baka lang masiraan ng loob ang ilan dahil kakanta sa laban si Jessica Sanchez, ang runner-up sa American Idol, pero ang kakantahin niya ay… Star Spangled Banner – ang national anthem ng Amerika. Pakiwari ko, si Lea Salonga ang dapat pakantahin ng pambansang awit natin. Para patas ang laban. Agree kayo? 

Tiyak na tayo-balahido kung si Lea ang kakanta ng Pambansang Awit!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: