Meralco – galit kay Corona?

Malamang hindi natutuwa ang mga tagapamahala ng Meralco kay CJ Renato Corona dahil sa binitawan niyang pananalita noong Martes sa impeachment hearings.

Reddy Kilowatt was Meralco’s mascot for a great number of years

Hindi yung, “My conscience is clear”.  (Palaisipan pa rin kasi sa ating mga nakukuba sa taas ng presyo ng kuryente kung may konsensya o wala ang kumpanya.)

Ang malamang na ikina-asar ng Meralco ay nang inilahad ni CJ na “hindi kami nag e-aircon”.

Baka tularan.

••••••••••••••••••••

Isa na namang hiwalayan sa Senado. Hindi lang si Sen. Chiz Escudero ang nag-iisa nalang sa kama tuwing gabi. Malungkot na nabalitaan namin na si Sen. Koko Pimentel at ang kaniyang misis – si Jewel – ay naghiwalay na rin.

Sen. Kiko & Jewel Pimentel

Pareho naman silang nagluluksa, siguro’y daanin na lang ng dalawang senador ang lungkot nila sa ma-boteng usapan – sa isang tahimik na lugar tulad ng Air Force One.

Parang epidemya rin ang hiwalayan sa showbiz. Si Heart Evangelista at ang kaniyang syotang Brazilian ay nag break na. Nauna lang ng ilang linggo si Derek Ramsey at si Angelica Panganiban.

Hindi magpapahuli ang mga Kano. Nagsalita na sa wakas ang kasambahay na siyang dahilan ng hiwalayan ni Arnold Schwarzenegger at ng kaniyang asawang si Maria Shriver. Umamin si Mildred Baena na nagkaroon sila ng ugnayan ni Mr. Terminator na nagbunga sa isang anak na lalaking ngala’y Joseph.

Si Mildred Baena at ang kaniyang anak na si Joseph. May kamukha.

••••••••••••••••••••

Napapanahon na? Ramdam na nakiliti ang mga mamamayan sa hamon ni CJ Corona sa mga mambabatas na pumirma rin sa isang waiver na pinapayagan ang mga bankong ibulgar ang kanilang mga bank accounts/deposits. Magandang punto. Kesyo pro-Corona o pro-Noynoy ang sinuman sa gobyerno, sigaw ng bayan: kung walang itinatago, waiver pirmahan n’yo.

••••••••••••••••••••

Aminado ang maraming mga kababaihan na basta ang usapan ay pera – papaano kikitain, papalaguin o po-protektahan – ang eksperto ay ang mga kalalakihan.

Pero hindi sang-ayon dito ang isang Pinay na kilalang financial adviser sa Asean region. Sabi ni Jocelyn Pantastico na balak niyang baguhin ang pag-iisip na ito.

Dalawang dekada nang nalayo sa Pinas – pero puso’y naroroon pa rin!

Kaya itinatag ni Jocelyn ang Live Olive (www. liveolive.com) – ang kauna-unahan at tanging komunidad sa internet na hustong sisimplihan ang kaalaman ng mga kababaihan sa Asya tungkol sa pera. Dudulutan ang mga kababaihan ng libreng impormasyon at kasangkapan para magtagumpay.

••••••••••••••••••••

Huling hirit. Ang paghati-hati ng mga Pinoy sa CJ Corona impeachment ay nabaligtad ng pagsama-sama nila sa nabigong laban ni Jessica Sanchez sa American Idol.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s