Kamatayan para sa mga bading!

Sumabog ang galit ng mga bading sa iba’t ibang dako ng mundo noong Miyerkoles nang ma-interbyu si Manny Pacquiao tungkol sa “same-sex marriage”. Pahayag niya’y hindi siya sang-ayon. Nagbitaw pa siya ng isang linya sa bibliya hango sa Leviticus 20:13 na nagsasaad na kamatayan ang nararapat sa mga lalaki’ng minamahal ay lalaki rin.

The controversial passage…

Nagpadala agad ng petisyon sa Nike – ang sneaker na ini-endorso ni Pacquiao sa buong mundo – ang isang grupong may ngalang GayMarriage USA. Sinasaad sa petisyon ang pagnanais ng grupong ilaglag na ng Nike si Pacquiao bilang endorser.

Hindi natutuwa ang mga bading!

Sabi ng mga sports experts na malaking abala sa training ni Pacquiao ang bagong gulo na ito. Maaalala na muntik na matalo ang boksingero kamakailan sa laban niya kay Manuel Marquez dahil diumano’y may malaking away si Pacman sa asawa niya. Kumalat pa ang balita na diumano, bago ang laban, ang inihain sa kampeon ay hindi lamang ang paborito niyang tinolang manok nguni’t sinabayan pa ng divorce papers.

Sana’y malampasan ni Pacquiao itong mabigat na bangungot na ito. Kung hindi, baka may kikilalaning bagong kampeon ang mundong hangang-hanga sa kaniya.

•••••••••••••••••••

Wala atang magawa ang ilan sa ating mga congressman at kung anu-anong walang kabuluhang panukala ang dinadala sa Kongreso.

Isa dyan ay ang congressman ng Antipolo na pinaglalaban na bigyan ng FIlipino citizenship si JaVale McGee – isang manlalaro ng basketball mula sa National Basketball Association.

Gagawing Filipino citizen – para lamang tayo’y makalamang?

Ayon kay Rep. Robbie Puno, ito ay praktikal na paraan para makalaro si McGee sa koponan ng Smart Gilas Pilipinas at para gumanda ang pakita natin sa mga liga sa ibang bayan.

Naku naman, Mr. Congressman… baka gusto mo namang bigyan ng halaga ang pagiging isang Filipino citizen? Kahit sino ba ay puwedeng basta-basta na lang maging Pinoy – dahil gusto lamang natin makalamang sa larangan ng basketball?

Puno ng kababawan ito, serr.

•••••••••••••••••••

Huling hirit. Nagmamatigas ang China at mukhang sadyang pinipikon ang Pilipinas dahil sa away natin sa kanila tungkol sa Scarborough Shoal. Una’y pinayuhan ng China ang mga mamamayan niya na wag na tumungo bilang turista sa Pilipinas. Inupakan din ang 500,000 kahon ng saging na ineksport natin sa bayan nila na pinatapon naman sa dagat dahil may peste “kuno”. At umuugong ang balita na ang mga papaya natin ang susunod na pag-iinitan.

Mahirap ang maliit!

At ang malungkot… tayo ay tameme lang. Mahirap ang maliit.


Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s