Advertisements

“Read my lips – hindi pa tayo tapos”

“… (kung one on one) baka puwet mo’y nasa bunganga mo na”

“Hijo de p…”

Yan ang ilan lang sa mga binitiwang salita ng magkakapatid na si Raffy, Ben at Erwin Tulfo sa programang T3 sa TV5. 

Ito’y matapos kumalat ang balita na nagsapakan ang Kuya Mon Tulfo nila at si Raymart Santiago at ang mga barkada nito sa NAIA 3.

Okay lang ang uminit ang ulo at magalit pag agrabyado ang kapatid mo, pero hindi okay na magmura at manakot sa telebisyon – na siyang ginawa ng mga mag-utol.

Ang daming mga batang nanonood kaya.

Saka kung nalamatan ang imaheng macho ng pamilya nila, wag na magbanta… wag na manakot.  Sundan nalang ang payo ng Nike – just do it.

Sayang ang simpatya ng napakarami para kay Mon Tufo: agad nabura dahil sa 8 minutong talumpating-sanggano ng mga utol niya sa telebisyon.

Sorry na… puwede ba?

••••••••••••••••••••••••••

Sila pa rin ba… o nag move on na? Ito ang tanong ng marami ng ibinalita ng isang kasapi sa Malacanang press corps na hindi na “hot item” si PNoy at si Grace Lee. Tatlong linggo na raw ang nakalipas mula nang nag kaniya-kaniyang landas ang dalawa.

Hindi ba nakatulong ang mga love songs na tinugtog ni Sergio Mendes na pinanood ng dalawa sa Araneta Coliseum?

••••••••••••••••••••••••••

Kinalampag ang pamahalaan kamakailan nang magtayo ito ng lampas-taong mga billboard para takpan ang mga iskwater sa mga lugar na madadaanan ng mga delegado ng Asian Development Bank.

Sana’y nilinaw at nagpaliwanag ang mga tagapagsalita ng gobyerno.

Pwede nilang sabihin: “Wag na ma-alarma. Ang tawag sa ginawa namin ay ‘make-up’. Pangkaraniwan n’yo nang nararanasan sa inyong mga asawa. Make-up para matakpan – pansamantala – ang pangit. Paglipas ng konting oras – pangit muli.”

••••••••••••••••••••••••••

Nawala na ata ang interes ng mga kababayan natin sa CJ Corona impeachment hearings. Napagsawaan na pagka’t wala nang bagong bombang pinapasabog. Wala na ring kalatoy-latoy ang mga testigo.
Ang laking hinayang siguro ng mga Senator-Judges at ng ilang mga congressmen na may balak tumakbo sa eleksyon ng 2013. Wala nang pagkakataong makabingwit ng boto – nang walang gastos. Tapos ng hearings, wala nang libreng airtime para magpakita ng gilas.
Balik na sa harang na singil ng ABS-CBN at GMA7 para i-ere ang mga TV ads nila.
••••••••••••••••••••••••••
Huling hirit? Ano na kaya ang nangyari sa imbestigasyon na isinagawa ng Malacanang hinggli sa pagbisita ng Pagcor chairman at ng kaniyang pamilya sa isang casino sa Macau.
Forgive and forget na naman kaya ang ending?
Advertisements

One Response to ““Read my lips – hindi pa tayo tapos””

  1. Gigi Alvia Says:

    Another informative & fun blog to end my week.
    What’s the reason why trial is suspended? This inquiring mind wants to know.
    Hanggang sa susunod na Biyernes uli. Salamat po Ka Dennis.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: