Advertisements

Mga Pinoy – bigatin sa Indonesia!

Matutuwa ka’ng Pinoy ka oras na mapasyal sa Jakarta.  

Jakarta is everything that you didn’t expect it to be.

Nagtataasan ang puwesto ng ating mga kababayang OFW: sobrang taas, halos sila na ang nagpapatakbo ng karatig-bayan nating ito.

Ang isa sa pinakasikat na kolumnista rito – at speechwriter pa ng mga matataas na opsiyales – ay si Jamil Flores. Isang Pinoy.
Ang pinakamahalagang kagawaran ng gobyerno – ang Ministry of Finance – ay may matinik na adviser. Isang Pinay.
Ang mga istasyon ng telebisyon ay nananatiling maayos dahil sa mga magagaling na manager at technician. Karamihan, Pinoy.
Ang matitinik na Creative Director ng mga ad agency. Korek – Pinoy.
Ang mga CFO ng pinakamalaking kumpanya. Halos lahat – Pinoy.
Ang nagkukumpuni ng laman-loob ng mga network ng cellphones at internet – Pinoy!
Ang mga nagtuturo at nangangasiwa sa pinakamagaling na mga paaralan – syempre, Pinoy.
Ang mga international news bureaus, kabilang na ang CNN kung saan emperatriz si Kathy Quiano-Castro, ang bida – Pinoy.
•••••••••••••••••••

Bongga ang Pinas sa CNN.
Araw-araw ngayong Linggo, ang pinag-abalahan ng CNN ay ang Pilipinas sa kanilang “Eye on the Philippines”.
Wag na tayong magdebate kung milyun-milyon ang ginastos ng pamahalaan para ito’y mangyari. Ang mahalaga’y ito’y nangyari at maraming mabuti ang ikalalabasan ng atensyong ibibigay sa Pinas ng milyun-milyong manonood.
Tinalakay ang mga call center sa bansa. Ang pamilyang Ayala at ang kalagayan at hinaharap ng Makati. Ang lumulobo nating populasyon. At syempre, ang kaakit-akit na ganda ng Pilipinas.
•••••••••••••••••••
Ngek! Ayan… nanggaling na sa ating DFA Secretary: hindi makikialam ang Amerika sa mga away tungkol sa teritoryo.
Sa madaling salita, kung gyerahin tayo ng China dahil sa Scarborough Shoal, wag na tayong umasa na sila’y sasaklolo.
Okay lang… nandyan naman si Leon Guerrero, Captain Barbell, Lastikman, Darna, Panday – at kung kagipitan na talaga… si Falcon, Agent X-44.
•••••••••••••••••••
Hula who. Isang machong mang-aawit na kasama sa isang grupong sumikat noong dekada ’80 ay malamang nagmumukmok ngayon. Kamakailan kasi, nanood siya ng konsert at nagalit nang di siya tinulungang hanapin ang uupuan. Agad na sigaw sa nanginginig na usher (na wala pa atang 20-anyos ang edad), “Di mo ba ako kilala?”. Ang sagot ng pinagpapawisan na usher: “Hindi po”. Sabi ni singer, “Kung di mo ako kilala – di ka Pilipino.” Tumango na lang ang pinagsabihang binata. Inulit ni macho man, “O, di mo pa rin ba ako kilala”. Sagot ng halos luluha nang usher, “Hindi po talaga.”
Ang leksyon: kung kailangan mo pang tanungin ang mga tao ng “Di mo ba ako kilala?”… malamang… hindi.
Advertisements

One Response to “Mga Pinoy – bigatin sa Indonesia!”

  1. Gigi Alvia Says:

    Dennis, you’re right re millions spent on CNN…no debate there. It’s worth it, hands down!
    Re Scarborough, you forgot “Malabanan” per your earlier blog 😎
    Lastly, anybody old who used to be somebody should stop asking anyone below 25 yrs old “kung kilala sila” as most likely the youngsters don’t know them. Stop using Inday Badiday’s line.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: