Si Mar – hindi tatakbo?

Nakakagulat ang pahayag ni DOTC Sec Mar Roxas na wala siyang balak tumakbo sa pagka-pangulo sa 2016.

Nakakagulat pagka’t may sipag at kakayahan naman siya… at madaming sumusuporta.

Marahil ngarag lang siya sa trabaho sa DOTC kaya’t politika ay wala sa isip o ayaw muna pag-abalahan.

Kawawang Mar.

Natalaga siya sa isang puwesto na gapang – at bibilang ng mahabang panahon – bago makakita ng makakapagbigay ng pogi points sa namumuno.

Hindi kayang bumuo ng airport sa isang buwan.

O, ibaba ang pamasahe nang basta-basta.

O, palawakin ang train system agad-agad.

O, burahin ang korapsyon sa mga ahensiyang sakop nito tulad ng LTO at LTFRB.

Sana’y magtagumpay si Mar sa DOTC – para mapagbibigyan ng marami kung maisipan niyang mabago ng isip.

•••••••••••••••

Pag nakipagdigmaan, gaano kalakas ang China?

Higit sa 3 milyon ang tumatao sa militar. 2,556 ang jet fighters, 400 naman ang ground attack jets. Ang navy niya ay may 66 submarines, 27 destroyers, at 52 frigates.
Mayaman sa bomba: 140 nuclear missiles, 1,000 conventional theater missiles.

Kahit tayo ay may Mutual Defense Agreement sa America, baka magdalawang isip ang mga Kano  pagka’t higit sa $60 billion ang investment nila sa China.

Siguro kung hihingi tayo ng tulong sa 250 milyong Indonesians, baka mas may liwanag pa. Malawak na ang pag-aari ng mga Indonesian sa Pinas. Bilyun-bilyon na ang binubuhos para puhunan sa iba’t ibang industriya: utilities, property, healthcare, telecommunications, media, toll roads, mining, at balita ko – malapit na – pati mga beauty parlor.

•••••••••••••••

Ang daming humahanga sa pagpapatakbo ng Pasig City. Malinis, berdeng-berde. Todo-alaga sa mga talentadong anak ng mahihirap. Primera klase ang edukasyon. Libre o kayang-kaya ang tuition sa mga pamantasan ng lungsod. May science museum, may malawak na pasyalan (Rainforest Park). Tinatayo na rin ang pinakamodernong children’s hospital sa buong bansa.

Sinimulan na sa Pasig CIty ang pinakamodernong children's hospital sa bansa - ang tanging itinatag ng isang LGU

Pero lahat ng magandang ginagawa ni Mayor Bobby Eusebio sa Pasig City ay dagliang nabubura sa kaisipan ng tao dahil sa mga traffic enforcer na nagkukumpul-kumpol (sa may Bagong Ilog papuntang Vargas Bridge) upang mangotong. Hoy, mahiya naman kayo at pinuputikan nyo ang imahe ng Pasig.

•••••••••••••••

Huling hirit. Iba talaga si Erap. Nakita namin siya sa Sergio Mendes concert noong Martes at game na game makipag-kodakan sa kahit sinong humiling. Kahit sa mga batang-batang mga Brazilians na nasa audience. At laging may kasamang halik sa kamay kung magandang dilag ang humiling ng picture-picture. Korek, ladies’ man kapag amoy pinipig ang nasa harap. Ewan ko na lang kung ganito rin ang asal niya kung amoy lupa ang umaalialigid.

Advertisements

1 thought on “Si Mar – hindi tatakbo?”

  1. i applaud MAR for his decision to focus on his current post first! yan ang tunay na civil servant.

    even if he’s half successful with his initiatives with dotc (maybe new airport can be named after his grandpa) then that would be something for him to herald. let entire country know him first then run for pres in 2022. he’s young so he has time to establish himself. alam mo naman dito sa pinas, popularity contest ang elective offices.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s