Advertisements

Pag oras mo na, oras mo na!

Ang kamalasan talaga, hindi mo masasabi kung kailan babagsak sa iyo. Tulad ni Lourdes Rabe, isang Pinay OFW sa Hong Kong. Naglalakad lamang siya sa Tai Koong District nang madaganan ng isang nagpakamatay na Intsik na tumalon mula sa mataas na gusali. Nakakalungkot nguni’t buti nalang at may matatanggap na death at burial benefits na higit sa P200,000 ang pamilya ni Lourdes mula sa OWWA.

•••••••••••••••

Napansin n’yo na rin ba? Kung magpapataba lang nang kaunti si Michael V (at kukuha ng magaling na make-up artist) kamukha na siya ni Kim Jong-un, ang bagong lider ng North Korea.

•••••••••••••••

Mahalaga ang katapangan sa mga taga England. Kitang-kita ito sa napakaraming mga monumento sa London. Ga-higanteng mga pagpugay sa mga babaeng nars na nagsilbi noong World War II, sa mga sundalong hindi umurong sa mga tropa ni Hitler – pati nga ang mga kabayong nagsilbi sa digmaan ay may parangal.

Samantala sa atin… ang kadalasang ginugunita ay ang pagkasawi at pagkatalo.

Ilang ehemplo: ang  mga istatwa ng pagpatay kay Ninoy at kay Jose Rizal, at ang bantayog na nagpapaalala sa atin ng Death March.

Pero, eto ang nakakapanghina – may isang istatwa sa Mabalacat na alay sa katapangan ng mga Hapong piloto na “kamikaze”. Baluktot na pag-iisip (kung saang binibigyang parangal ang siyang responsable sa pagpatay ng daan-daang mga Pilipino). Para na ring nagtayo ang mga taga-Israel ng istatwa ni Adolf Hitler sa Tel Aviv.

Walang "K" ang kamikaze pilot na may istatwa sa Mabalacat. Sino kaya ang may pakana nito?

•••••••••••••••

Kamakailan, binaboy at ini-spray paint ng ilang militante ang harapan ng US Embassy dahil nakatulog sa loob ng patrol car ang pulis na nagbabantay. Giit niya’y hindi raw siya tulog… kahit buking siya sa video ng isang TV network.

Sana hinirit na lang niya: patawad na po… ang mga nagbabantay nga kay Obama sa Colombia, hindi lamang nakatulog – may mga kasama pang pokpok.

Mabalik sa mga militante:  sana naman gamitin nila ang kanilang tapang para mag-rally sa embahada ng China. Sinasampal-tadyak na tayo ng mga bully ng Beijing, hindi pa rin tayo makapalag.

•••••••••••••••

Huling hirit.  Kung buhay na kayo noong kainitan ng martial law, malamang lumaki kayo sa musika ng Hotdog band. Ayaw masyadong ipagkalat pero may FREE Concert ang banda bukas (Abril 21, 7 PM) sa Salcedo Park, Makati. Sikret ha!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: