Hoy, North Korea: handa kami… magdasal!

Ang missile-testing ng North Korea ang mainit na balita ngayong linggo.

Agad pinuwesto ng Japan ang patriot defense system nila – para pasabugin ang anumang tipak-tipak na papasok sa teritoryo.

Sa Pinas, aminado ang  National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRC) na walang kaparehong kakayahan ang bansa.

(Kahit pa buhos naman ang kakayahan ng pinuno ng NDRRC na magpa-interbyu sa sinumang interesado.)

Ang tanging pag-iingat – ipinagbawal na maglayag, mangisda o magpalipad ng sasakyang pang-himpapawid sa ilang bahagi ng Bicol.

Payo ng Office of Civil Defense sa mga taga-Camarines Norte, Camarines Sur at Catanduanes: magtago na lang o magkubli.

Imbes na patriot missiles, mga kamay na handang magdasal ang naghihintay sa pasalubong ng North Koreans.

•••••••••••••••

Isang lindol na may antas na magnitude 8.7 ang naramdaman sa Indonesia – sa kanluran ng Sumatra. Niyanig pati Singapore, Malaysia at Thailand.

Agad itong sinundan ng magnitude 8.2 after-shock.

Bilang pagbabalik-tanaw, narito ang tatlong pinakamatinding lindol na naranasan sa mundo:

Ika-22 ng Mayo, 1960 – Chile – Isang lindol na may magnitude 9.5 ang yumanig sa Santiago at Concepcion. Dala ay tidal wave at pagputok ng ilang bulkan. Mga 5,000 tao ang namatay at 2-milyon ang nawalan ng tirahan.

Ika-28 ng Marso, 1964 – Alaska – Isang lindol na sinundan ng tsunami ang pumatay sa 125 katao. Maliban sa Alaska, damay rin ang ilang bahagi ng Canada.

Ika-26 ng Disyembre, 2004 – Indonesia – Isang lindol na may magnitude 9.1 ang yumanig sa isla pa rin ng Sumatra. May dalang tsunami. Higit sa 226,000 ang patay sa Sri Lanka, Thailand, Indonesia, India at siyam pang ibang bayan.

•••••••••••••••

Simula 2013, puwede nang sumali ang mga transgender (mga babaeng dating lalaki) sa Ms. Universe contest. Aprub kaya kay Bb. Kuh Ledesma ito?

•••••••••••••••

Hula who. May anak ang bilyonaryong ito na laging nag-aalala na mag-uuwi ng toilet paper ang mga employado.
O, magpupuslit ng mineral water mula sa water dispenser.

Isang beses pa nga… siya’y nagwala nang mapuna na ang mga divider sa tanggapan ay lampas-mata. Akala’y pagnanakawan sila ng mga employado na matitinong mga tao naman. Pwe, mukhang pera!

At sino itong magandang singer (medyo may edad na) ng kilalang banda na iniwan ang asawa… para libre’ng umibig sa isang madatong na pulitiko? Kasama ang mga bodyguard, hinarap ni pulitiko ang asawa ng singer at nangumpisal, “Pare, papaano ba ‘to… nag-iibigan na kami ng misis mo…”

Slow n’yo naman…

•••••••••••••••

Kinalampag ng mga taga-Baguio ang planong pakialaman at galawin ng SM Baguio ang halos 182 pine trees. Balak pagtayuan ang kinalalagyan ng mga puno ng isang gusali para parking area ng mall. Mapapabango kaya ng mga mamahaling PR experts ng higanteng kumpanya ang pakanang ito?

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s