Advertisements

Si Lord – may gabinete?

Tambak sa trabaho si Lord.

Kaya’t para hindi mapagbintangan nang tatamad-tamad at nag-“Lolording”, meron din Siyang mga pinagkakatiwalaang mga alalay.

Sila’y parang bahagi ng isang gabineta. Ang kaibahan lang, ang mga kalihim ni Lord ay subok ng mapapagkatiwalaan. Walang pork barrel.
Hindi makukuha sa “tong-pats”.
Ang tawag sa mga ito ay “patron saint”. Takbuhan sa iba’t ibang uri ng pangangailagan o  lunas.

walang kotong o tong-pats!

Kilalanin natin ang ilan.
Si St. Joseph ang patron saint ng mga nais ibenta ang kanilang bahay. Alam niya kung gaano kahirap ng biglang pag aalsa-balutan at paghanap ng titirhan nang ora-orada. Alam din niya ang pakiramadam ng naggigipit, pati na rin ang manirahan sa kubo lang.
Si St Fiacre ang patron saint ng “sexually transmitted diseases” (STD). “Karangalan” na napasakaniya dahil  sa lubos niyang pag-iwas sa mga babae. Siya’y naging ermitanyo at nagtayo ng bahay-pagalingan sa isang monasteryo sa Meaux.
St. Drogo ang patron saint nga mga di-gaanong kagandahan. Nang matuklasan niyang namatay ang  ina dahil sa pagsilang sa kaniya, si Drago ay lubos na binagabag dahil sa kaniyang “kasalanan”.
Pagdating sa edad na 18, pinamigay niya ang lahat ng kaniyang pag aari at sinimulan ang pagpunta sa mga banal na lugar sa mundo.
Sa isang biyahe niya, dinapuan siya ng isang sakit na nagpasama sa kaniyang anyo at mga buto. Ang itsura niya ay kinatakutan at kinasuklaman ng mga tao. Kaya siya’y nagpatayo ng isang dampa sa tabi ng simbahan – kung saan ay hindi siya matatanaw ng mga parokyano. Siya’y nabuhay sa tubig at Holy Communion lamang sa loob ng 40 taon.
••••••••••••
Matindi talaga ang impluwensya ng telebisyon sa kabataan. Sa London, sinentensyahan ng 16- taong pagkakakulong ang 15 anyos na si Daniel Bartlam tapos niya patayin ang kaniyang ina gamit ang martilyo.

The 15-year old Brit who hammered his mom to death... then burned her body - after watching something similar on TV

Tapos basagin ang mukha at mga buto, sinunog niya ang katawan at sinabi na may akyat bahay daw na gumawa ng krimen. Ang nangyari ay napanood niya sa isang episode ng “Coronation Street”, popular na teleserye sa England.
Kaya tumpak ang mga mahigpit at natataong na ratings para sa telebisyon na inilunsad ni MTCRB Chairman Grace Poe-Llamanzares. Siya’y isang ina rin kaya alam niya kung ano ang masama ipalabas sa mga bata.
••••••••••••
Huling hirit. Ngayong semana santa, ipagdasal natin ang lahat ng dumaranas ng kanilang sariling kalbaryo. Ang mga may sakit, ang mga may suliranin… at isama na rin natin sa ating mga dasal ang mag-asawang June Keithly at Angelo Castro na parehong  ginagambala ng cancer.
Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: