Akala natin “fixer” – banal pala!

Santa semana naman – maiba tayo.                                                                              Ang katagang “expedite” ay madalas naririnig kung tayo ay may nilalakad sa mga opisina ng gobyerno, pugad ng mala-anay na “fixers”. Laking sorpresa naming matuklasan na mayroon palang St. Expedite (o, St. Espedito o Expeditus).

Siya ay kumander ng mga sundalong Roman sa Armenia na naging Kristyano. At pinugutan ng ulo noong Abril 19 – 303 AD.

Ngayon, si St. Expedite ay popular na patron saint ng mga may tindahan, mga estudyanteng kukuha ng test, mga marino, at sinumang nangangailangan ng madaliang tulong.

••••••••••••

Desidido si ARMM Gov. Mujiv Hataman na baligtarin ang imahe ng Muslim Mindanao sa lalong madaling panahon.

Dala ni Gov. Mujiv ang biyayang matagal nang mailap sa mga kababayan nating Muslim - PAG-ASA.

Ipagdiriwang pa lang sa Abril 14 ang kaniyang ika-100 araw bilang OIC sa ARMM pero ang dami nang pagbabago na nadarama ang mga kababayan nating Muslim.

Ginawa niyang prioridad ang dekalidad na edukasyon pagka’t ito ang susi sa pangmatagalang bisa ng reporma.

Kay Gov, tatlo ang haligi sa mabilis na pag-asenso bg ARMM: good governance, peace and security at socio-economic structures.

Good luck, Gov!

••••••••••••

Ilang tulog nalang atmaaakit na tayo ng Pinoy staging ng Broadway hit musical “Rock of Ages”. Garantisadong ilalabas ang “rocker” na nagtatago sa katawan mo. Wow, pare!

••••••••••••

Hula who? Sabik na in-announce ng sexy TV celebrity ang pagdating sa bayan ng R&B singer na si Craig David. Excited siya pagka’t noong huling narito ang British singer, na-“take home” ang TV host tapos ng konting lambochingan sa Fort.

Tanong lang, maaalala pa kaya ni Craig yung gabing yon?

••••••••••••

Hula who, 2? Siya raw ay sikat na food blogger, ayon sa aking mga amigo. Pero medyo kapalmuks ata. Kamakailan, pinasyalan niya ang isang bagong bukas na restoran sa Taguig bitbit ang kaniyang buong pamilya.

Halos lahat sa menu ay in-order.

Nang inabot sa kaniya ang bill… may konting drama si blogger. Nilabas ang pitaka… pabilang-bilang ng pera… at biglang sinabi sa manager, “medyo kulang ang cash ko… saan ba may ATM?”. Nagmagandang loob ang manager dahil ayaw niyang may mapahiya at sabi’y “sagot na po namin, sir”.

Laos na ang gimik mo, pre!

Modus operandi ni sikat food blogger – bulok… pero mukhang laging wagi.

••••••••••••

Narito sa bayan ngayon ang dalawang Pinoy entertainment writers na patuloy na hinahangaan sa Hollywood at pwedeng-pwede nating ipagmalaki. Welcome home, Ruben and Janet Nepales.

••••••••••••

Huling hirit. Ang napaka-makapangyarihan at ang napaka-bobo ay magkapareho sa isang aspeto. Hindi nila hinuhugis ang kanilang pananaw para sang-ayon sa katotohanan. Imbes, hinuhugis nila ang katotohanan para sang-ayon sa kanilang pananaw.



Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s