Bulong kay Pacman – tigilan mo na!

Habang natutulog, may bumulong daw kay Pacquiao na tigilan na ang pagbo-boksing. Suspetya ng marami, maaaring pakana ito ng isang bayarang mangkukulam na kinontrata ni Floyd Mayweather. Mukhang ayaw kasi ng Amerikanong boksingero na makatunggali si Pacman at natatakot na magalusan ang mala-sutla niyang kutis.

••••••••••••

Sabi ng ilang obispo, si Pacman ay isang makabagong santo. Kung mga gintong aral mula sa Bibliya ang laging nasa dila niya, wag naman daw agad husgahan na may tililing siya. Marami raw sa mga naging santo ay medyo kakaiba ang kilos at pag-iisip – tulad ni St. Francis of Assisi na kinakausap ang mga hayop.

••••••••••••

Totoo ang tsismis: handa na si MVP na subukang paslangin ang isang channel ng pamilyang Lopez – ang ANC. Bago mag-Pasko, bubuksan na ng TV5 ang kanilang “all-news channel”.

Masayang lipatan na naman. Ngayon nga sa TV5, ang laging pinag-uusapan ay hindi kung gaano kataas ang “rating” ng estasyon – kundi gaano kataas ang tinatatanggap ng bawat bagong artista na lumilipat at nagiging Kapatid.

••••••••••••

Bagong taktika ng depensa sa CJ impeachment hearings – ikalat ang paninisi at pagkakasala. Sabi ng taga-pagsalita ng grupo: tao lang daw si CJ at hindi raw nag-iisa kung ang pupunahin ay ang ilang mga detalyeng nakaligtaan sa pag-kumpleto ng SALN. Guilty din daw ang maraming opisyales sa pagkakamaling ito.

••••••••••••

Dyan tayo magaling? Sa pag-imbento ng mga bagong kataga. Tulad ng usong-uso ngayong “Noynoying” na ginagamit upang ilarawan ang isang nakahilata, walang ginagawa kahit dapat nagmamasipag.

Ano na kaya ang susunod? Belo-ing para sa mga nagpapa-retoke? Rustoming para sa mga lalaking nagiging babae?

••••••••••••

Hula who? Ang namumuno sa isang ma-perang ahensiya ng gobyerno ay may ugaling awitan ang mga “suppliers” ng regalo na magkakambal – ibig sabihin: hindi lang isa, dapat dalawa nang dalawa. Lalo na kung mamahaling relo tulad ng Patek Philippe ang pinag-uusapan. Huling usisa namin, ang presyo ng pinakamurang uri ng relong ito ay $31,680.

Eto pa: isang bantog na PBA import noong dekada 70 ay nagbalik-Pinas kamakailan. Kaya lang, agad nagwala at nanggulpi nang matuklasan niya na ang Pinay na kaniyang isinama sa hotel ay… isang Pinoy. Gulpe sarado.

••••••••••••

Nang sumalang ang pinuno ng Land Registration Agency sa impeachment hearing noong makalawa… sinabon, binanlawan, binabad, kinula, at sinampay siya sa batikos ng mga senador. Kaya bago matapos ang hearing, nag-mukhang Mr. Clean ang kawawang klasmeyt ni PNoy.

••••••••••••

Huling hirit. Bawat minuto… limang Pinoy ay nagbubukas ng account sa Facebook. Nagpapatunay: parami nang parami ang kulang sa pansin. O walang trabaho.

Advertisements

2 thoughts on “Bulong kay Pacman – tigilan mo na!”

  1. Re “chips” agency. Is that graft & corruption so impeachable? But then again double-standard applies so no case per noynoying adminstration.

    Not only entertaining but more so, enlightening. Wala akong itulak kabigin sa mga subjects mo. Maramai pong salamat, Ka Dennis.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s