SagipSaka – go na go na!

Nagsimula na ang ilang pilot farms ng SagipSaka – ang pagsasanib-puwersa ng Kagawaran ng Agrikultura, ang agriculture committee ni Sen. Kiko Pangilinan, mga malalaking negosyante, mga institusyong pinansyal, at mga magsasaka at mangingisda. Layunin ng SagipSaka na iahon ang mga magsasaka at mangingisda sa kahirapan sa pamamagitan ng tulong kaalaman, tulong pinansyal at tulong asenso.

••••••••••

Hula who? Marami ang pumupunta sa Senado – hindi para makinig sa matinding debate – ngunit upang pagmasdan lamang ang naggagandahang mga binibini na bahagi ng impeachment proceedings. Pero ano ito? Isa sa mga pinaka-hinahangaan ay retokada raw? Balita’y malaking pasasalamat niya kay dok para sa kaniyang bagong ilong, mga kissable na labi at nagtaasang cheekbones. I submit, your honor!

••••••••••

Namaalam na kamakailan ang dalawang dekalidad na musikerong Pinoy. Binawi ng traydor na stroke ang buhay ni Karl Roy, ang singer ng bandang Advent Call at P.O.T. Kaniyang pinasikat muli ang kantang “Yugyugan Na” na siyang pambato ng grupong Advisors noong dekada ’70. Sinabayan pa si Karl ni Bodgie Dasig na nadale naman ng cancer sa Amerika. Si Bodgie ang sumulat ng kantang “Ale” (Nasa langit na ba ako?) at “Sana Dalawa ang Puso Ko”.

••••••••••

Wagi ang Malasimbo Arts and Music Festival na ginanap sa Puerto Galera mula Marso 2 – 4. Buhos ang tao at halos lahat ay umuwi ng masaya… at lasing. May kaunting gusot lang: umuugong ang tsismis na hindi maganda ang trato sa mga musikero natin. Ang lahat ng asikaso raw ay binuhos sa mga musikerong banyaga – sa tirahan, sa pagkain, sa kabayaran at maging sa tugtugan. Maraming musikerong Pinoy ay hindi na pinatugtog pagka’t mas pinaboran ng prodyuser (na isa ring foreigner) na manatili sa entablado ang mga foreign acts at kainin ang oras na nakalaan sa mga musikerong noy-pi. Bad yan!

••••••••••

Nang-agaw sa baril ng pulis ang dalawang hinayupak na nag-rape at pumatay sa isang 7-anyos na babae. Napatay sila ng mga pulis. Marami ang umamin na hindi sila magrereklamo o mababahala sa madugong pagtatapos ng istoryang ito. Hindi natin sila masisisi pagka’t marami sa kanila ay may mga anak na babae.

••••••••••

Huling hirit. Konting hintayan na lang at may magarang airport na tayo. Tapos ng maraming taong paghihintay, maku-kumpleto at hustong aayusin na ang NAIA 3. Ito ang magadang balita na dala ni DOTC Sec. Mar Roxas pagbalik niya mula sa Japan kung saan nagkaayusan na ang pamahalaan at ang mga opisyales ng Takenaka Corporation – ang kumpanyang siyang tatapos sa nakabinbing trabaho sa NAIA 3.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s