Advertisements

Tupas dito, Tupas doon!

Sinabi ng Malacanang na di dapat gawing “issue” ang balita tungkol sa tatlong mga kamag-anak ng lider ng impeachment prosecution team na si Congresman Niel Tupas. Ang kanilang pagkatalaga sa ilang mga puwesto sa pamahalaan ay diumano nangyari bago pa nagsimula ang impeachment proceedings, ayon kay Edwin Lacierda, tagapagsalita ng palasyo.

Isa... dalawa... tatlo... apat...

Ang mga tinutukoy: ang ama ng congressman – si Niel Sr – na in-appoint na executive director ng Philipine National Oil Co. Ang babaeng kapatid ni Niel Jr. na si Ninette Tupas-Belleza na ngayo’y national consultant ng Philippine Charity Sweepstakes. At si Raul Tupas, dating alkalde ng Barotac Viejo, na tinalagang regional technical assistant sa Kagawaran ng Agrikultura.

Mukhang mahirap talaga makakuha ng mga nais maglingkod sa pamahalaan – kahit pa ba halos 100 milyon na tayong mga Pilipino

••••••••••

May tama ‘ata itong artistang Canadian na si Taylor Kistch. Sa programang Late Show With David Letterman, noong nakaraang linggo, inilahad niyang pinahirapan daw siya ng isang immigration officer sa Pilipinas.  Sinubukan pa raw awitan ng opisyales ang kaniyang iPhone.

Mukha ng Pinoy, mukha ng Indonesian... pare-pareho lang!

Sa nasabing interview, ilang beses binanggit ang “Philippines.”

Agad inimbestigahan ng Bureau of Customs Commissioner na si Ruffy Biazon ang pahayag ng banyagang aktor.

Ayon kay Biazon, walang record ang Bureau of Immigrations na dumating si Kitsch sa Pilipinas.

Nagkataon naman, sa website na www.balifilm.com ay nakita ang ilang larawan nina Kitsch, ang director na si Oliver Stone, at iba pang kasama sa pelikulang “Savages” na kinukunan sa Indonesia.

Malamang sa mga katulad ni Kitsch, tayong mga Asians (at ang mga airport natin) ay lahat magkaka-mukha.

Wow, pare, hebigat!

••••••••••

Sampung bilyong dahilan. Inihayag ni Chief Justice Renato Corona noong Miyerkoles ang dahilan kung bakit diumano’y gusto siyang tanggalin sa Korte Suprema.

L-U-I-S-I-T-A!

“Ngayon, tatanong ninyo sa akin, bakit naman gusto kang alisin diyan sa impeachment na iyan? Eh kasi kung hindi ako humaharang sa hinihiling nila na 10 billion sa Hacienda Luisita,” paliwanag ni Corona.

“Ako po ang humaharang niyan at para mabayaran iyan, kailangan putulin ang ulo ko at ako’y tanggalin diyan. Iyan ang katotohanan niyan… yan ang puno’t dulo ng impeachment complaint na ito.”

Pambihirang kaso ito – araw-araw nagbabago ang kontrabida.

••••••••••

Huling hirit. Boto ang marami sa panukala ng DOTC na ipako ang tulin ng pampasaherong bus sa 40 kph. Hayop kasi ang ilang mga bus driver – akala mo mga stuntmen ng “Bourne Legacy” kung humarurot ang sasakyan.

Daig pa ang stuntmen ng "Bourne Legacy" kung humarurot ang minamaneho

Advertisements

3 Responses to “Tupas dito, Tupas doon!”

  1. Nelson L.Cruz Says:

    ‘ Alas, all things must come tupas…’

  2. Gigi Alvia Says:

    re stupid kistch. to some degree i am flattered because it seems that Philippines is the most popular known country in SEA that most in the world think that SEA is the Philippines!

    On the flip side, Canadians are furious if you liken them to Americans. More than some in the world think Canada is part, another state, of USA. Really.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: