Advertisements

Malapit na… Kapatid ng Kapuso? (Chubibo, Abante 03.02)

Umuugong ang balita na malapit na raw mabansaggan ang TV5 na “Kapatid ng Kapuso”.

Seryoso na raw kasi ang usap-usapang bibilhin ni Manny Pangilinan ang Siete. Pag nagkatuluyan, biglang No. 1 ang pinagsamang mga estasyon ni MVP – bahagi ng kaniyang mga kumpanyang namamayagpag sa larangan ng mining, telecommunicartions, tollways, kuryente, 5-star hospitals, water distribution at dalawang PBA teams. MVP talaga si MVP sa kaniyang mga boss!

•••••••••••••••

Parang gusto nang manapak ni Sen. Jinggoy Estrada nang nakita niyang nagtatakip ng tenga  si Atty. Vitaliano Aguirre – habang sinasabon ni Sen. Miriam Santiago ang buong prosecution team noong Miyerkoles.

Tanong lang ng barkada sa kanto: kung si Sen. Jinggoy kaya ang tatawaging “G*GO”… hindi rin kaya siya papalag?

•••••••••••••••

Mukhang matindi ang bakasyunan blues ngayong taon. Sinubukan ng ilang mga kaibigan ko ang  mag-book ng flight patungong Batanes sa darating na mahal na araw. Natuklasan… mahal… ang pamasahe at walang discount discount… pero, naku – fully booked, mula pa noong ikalawang linggo ng Pebrero. Ito na kaya ang ‘Visit Batanes Year’?

•••••••••••••••

Marahil, sa kauna-unahang panahon, walang taga-UP ang nasama sa sampung bar topnothers ngayong taon. Signos na kaya ito na dapat nang magsi-alisan ang mayayaman na ngayo’y nag-aaral sa pamantasan? Oras na kayang ipagbawal ang mga BMW at Lexus na minamaneho nila? Di ba, sadyang itinayo ang UP para sa mga matatalinong mag-aaral na kapos sa buhay?

•••••••••••••••

Mukhang palabo nang palabo ang pinakahihintay nating labang Paquiao vs Mayweather. Pero wag kayong masiraan ng loob. Baka may mag-prodyus ng mas kapana-panabik na laban. Match ang magkatunggali at malamang limpak-limpak ang taya. Magandang tambalan. Ang tinutukoy ko ay ang labang Miriam Santiago vs Annabelle Rama. Puwedeng pamagatang “Ang Pagtatagpo: Iisa Lang ang Pamabansang Bunganga”.

•••••••••••••••

Hula who? Nagulat ang mga nanonood ng parada sa nakaraang Baguio Panagbenga Festival. Nang dumaan ang ‘float’ ng isang matinee idol at ang kaniyang kasintahan (na medyo palengkera), nagsigawan ng “kiss… kiss…” ang mga fans. Pinagbigyan naman ni matinee idol ang kahilingan ng madla ngunit ang kaniyang halik ay inasinta sa makinis at kumakaway na kili-kili ng girl friend. At inulit pa. Amoy pinipig?

•••••••••••••••

Huling hirit. Sa pagkakabulgar na ginastusan diumano ng isang hotel sa Macau ang pagbisita ng opisyal ng Pagcor at ng kaniyang pamilya, dalawang bagay ang matinding pinupuna. Una, parang nakapagtataka kung bakit hiniling niyang maging isang guest na ‘incognito’. At, pangalawa, nangangailangan palang dagdagan ng isa pang ‘K’ ang tawag sa tropa ni PNoy na binansaggang KKK (Kaklase, Kabarilan, Kaibigan ). Ang pang-apat na ‘K’ – ‘Kabuhok’.

Advertisements

2 Responses to “Malapit na… Kapatid ng Kapuso? (Chubibo, Abante 03.02)”

  1. N. Mark Castro Says:

    Selamat Datang to Republic of Indonesia

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: