Advertisements

Libreng $6,000 hotel suite – walang kapalit?

Hula who? Tinaggap ng isang mataas na opisyal ang imbitasyon ng grupo ng casino owners na tumira ng apat na araw, kasama ang kaniyang buong pamiyla, sa isang hotel suite sa Macau na karaniwang may presyong US$6,000 kada araw.  Sa laki ng libreng kuwarto, malamang nag-golf o bowling ang pamilya sa loob ng suite.

Sabi ng tagapagsalita ng opisyal na normal lang daw ito. Ibig ba niyang sabihin ay… walang kapalit ang family-size na “pabor” na ito? Mahirap paniwalaan.

Kinakalampag natin ang libreng first-class airline tickets ni Chief Justice… pero pipikit nalang ba tayo sa $6,000 suite blow-out na ito? Naman.

••••••••••

“Untouchable” ba ang malalaking TV advertisers – pag nasasangkot sa kontrobersya? Dalawang dambuhalang issue ang hindi pinatulan ng mga istasyon ng TV. Isa ay ang plano ng SM Baguio na pagtatanggalin ang ilang mga pine tree sa Bagiuo upang tayuan ng parking building para sa 6,000 sasakyan. Kahit todo-kontra ang mga taga-Baguio sa plano, tameme lang ang kapamilya, kapuso at kapatid.

Pangalawa, nang ini-reklamo ng mga coffee growers ng Amadeo, Cavite ang dinidiktang, mababang binabayad ng Nestle at Universal Robina para sa coffee beans nila, inisnab ng mga TV news shows ang istorya. (Halos bilyon kung gumastos ang Nestle sa mga patalastas.)

Buti na lang, agad sumaklolo ang Sagip Saka – ang organisasyong itinatag upang magdulot ng tulong kaalaman at pinansyal sa mga magsasaka at mangingisda. Unang tulong: halagang P5 milyon upang makabili ang mga coffee growers ng sarili nilang roasting machine para naman tumaas-taas ang halaga ng kanilang ani.

••••••••••

Kung akala nyo na nagkakandarapa ang buong bayan para sundan ang impeachment trials, mali ang akala nyo. Ayon sa isang malawakang survey, iilan lang ang interesado.

Sinusundan ang impeachment – 25%

Pinapanood ng ‘live’ sa TV ang hearings – 7%

Ang pinagkukuhanan ng impormasyon tungkol sa impeachment – TV Patrol o 24 Oras 

Undecided kung guilty o hindi si Corona – Majority                                                            

Nais na nais na ma-impeach si Corona – 17%                                                        Naniniwalang dapat ma-impeach si Corona – 17%

Gagalangin ang desisyon ng Senado – Majority                                                          Magra-rally kung ma-abswelto si Corona – 7%                                                            Magra-rally kung ma-impeach si Corona – 4%                                                            Inaasahang babantayan ang pakikialam ng Pangulo – Media

••••••••••

Huling hirit. Tulungan nating magkaroon ng inspirasyon si PNoy; tulungan nating makuha niya ang matamis na “oo” ni Grace Lee. Heto ang dalawang linyang pang-akit na maaari niyang gamitin:

“Ibenta mo na bahay mo, tutal nandito ka na nakatira sa puso ko.”

“Kung ibibigay ko sa yo ang manibela ng puso ko, ibabangga mo ba sa pader ng kabiguan?”

Advertisements

One Response to “Libreng $6,000 hotel suite – walang kapalit?”

  1. Gigi Alvia Says:

    “Sabi ng tagapagsalita ng opisyal na normal lang daw ito. Ibig ba niyang sabihin ay… walang kapalit ang family-size na “pabor” na ito? Mahirap paniwalaan.”
    And panot is nonchalant about it!!

    Kinakalampag natin ang libreng first-class airline tickets ni Chief Justice… pero pipikit nalang ba tayo sa $6,000 suite blow-out na ito? Naman.
    Exactly!!!
    Hay naku naman!!!!!!!!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: