Relief Goods – May Kasamang Plugging! (Chubibo – Abante 02.17)

Grabe ang lindol na tumama noong Pebrero 6 sa Negros Oriental: 6.9 magnitude ang lakas, 42 ang patay, 60 ang hinahanap pa, 200000 katao ang apektado at P365 milyon ang dalang gastos-pagkawasak.

Pero ang higit na nakakatayong-balahibo ay ang balita na pinagsasamantalahan ang sakuna ng maraming politikong tatakbo sa 2013 elections.

Kasama rito ang matataas na opsiyal ng lalawigan na itinatak ang kanilang mga pangalan sa libu-libong relief goods na bigay ng napakaraming mga nagmagandang-loob.

Epal to the max!

Sana’y maalala nga natin ang mga makakapal na epal na ito pag dating ng halalan. Maalalang WAG iboto.

Lunes kitakits. May bagong sinimulan si Sec. Mar Roxas: ang  harapin ang mga miyembro ng media tuwing lunes ng umaga upang isa-isahin sa kanila ang mga proyekto ng DOTC – ang status (ano ang nasimulan/ano ang tapos na/ano ang ginhawang dulot) at ang mga planong aandar na sa loob ng ilang linggo.

Lunes Kitakits

Klarong-klaro ring inihahayag ang mga proyekto na dadaan sa public bidding – nakakaaliw pagka’t nakalapat na parang anunsyo sa Ebay o Buy & Sell… may litrato at nakahimay ang mga detalye.

Sa ganitong paraan, mas kampante tayo na maayos at may nangyayari naman pala sa DOTC pero hindi lang nalalathala pagka’t hindi  kontrobersyal tulad ng impeachment case.

Hiwalayan blues na si Vicky Belo at si Hayden Kho. Tanggap na raw ng doktora na – sa laking diperensya ng edad nila ni Hayden – mahirap talagang sakyan ang ugali ng lalaki. Dagdag ni Belo, hindi na kailangang itago pa ang namumuong pagtitinginan ni Hayden at ng di-aktibong artista na si Nancy Castiglione. May nakakita raw kasi sa dalawa na naghahalikan sa isang bar sa Taguig. Buti na lang, di pa nauuwi sa kasalan ang pagsasamang Kho at Belo.

Vicky Belo with son Quark
Self-explaining tweet

Ang ‘divorce’ ay matagal nang gawain sa Pilipinas. Kaya lang, ang tawag dito ay ‘annulment’ at – sorry – para sa mayayaman lang ito. Kung wala kang pera, magtiyaga ka na lang habangbuhay sa kinakasama mong alay sa iyo ay impyerno sa lupa. Araw-araw.

Hula who. Isang bigating opisyales ng pamahalaan ay mahilig sa mamahaling relo. Paborito niya ay ang kaniyang IWC watch na hindi bababa sa P250,000 ang presyo. Bagay ka-terno sa manibela ng magandang kotse. Astig, serr!

Huling hirit. Kahit ano pang sabihin ng iba, wala pa ring tatalo sa inflight service ng Philippine Airlines. Taos-puso ang asikaso, hindi plastik. Isang malaking pasasalamat sa mga mapagmalasakit na bossing sa loob ng cabin tulad ni Oya Avelino, May Evidente at Lulu Sayoc.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s