Boksingero na ‘born-again’ – gimik lang? (Abante 02.02)

Narinig ng libu-libo sa radyo ang pahayag ng isang sikat na brodkaster kung bakit – sa palagay niya – biglang napalapit sa bibliya at sa Diyos ang paboritong kamao ng marami.

Una, binigyan daw siya ni misis ng ultimatum.: magpakatino o magsolo flight sa buhay.

Pangalawa, nagsimula na raw magtalbugan ang mga tsekeng pinambayad niya sa pinapagawang magarang mansyon dahil sa milyun-milyong nawawaldas sa sugal.

Pangatlo, purong gimik lang raw ito. Pati ang mga bible study session daw ay pampabango ng imahe.

Tunay na nagbago o gimik lang? DIyos lang ang may alam.

Magkaibang script. Iniimbestigahan ang misis ni Sen. Lito Lapid sa Amerika sa diumano’y pagpuslit ng higit sa $50,000 na walang kasamang declarasyon sa US Customs. Ayon kay Mrs. Marissa Lapid, ang pera’y para sa “bahay na ipinapagawa roon”.  Hirit naman ni Sen. Lapid, ang pera’y para pampagamot sa sakit sa buto ng misis na kahawig sa pinu-problema ni dating pangulong GMA. Magkaiba ata ang scripwriters ng mag-asawa. Pero hindi katawa-tawa ang nangyaring ito: ang parusa sa dollar smuggling ay multa na hindi hihigit sa $500,000 at pagkakulong ng hindi hihigit sa limang taon.

Sa wakas, inamin na rin ni PNoy na nagde-date sila ni Grace Lee ang Korean TV host ng Kapuso network. Nag-level up na talaga si Presidente: dati, hilig ay kumain ng Korean food – nang walang kasama – sa isang kilalang Korean restawran sa Jupiter, Makati. Ngayon, pinagpalit na ang kimchee kay Grace Lee. Annyeong haseyo (Hello… musta na).

Boto naman kaya ang kapatid na si Kris kay Grace na minsan ay naugnay kay James Yap? Abangan.

Kung ngayo’y labi lang ni Cong. Iggy Arroyo ang pinag-aawayan ng mga naiwan niya… malamang lalong titindi ang gulo sa pasabog ni Sen. Ping Lacson na ang magkapatid na Mike at Iggy Arroyo ay may  P4-billion na nakadeposito sa bangko.  Katas kaya ng mga kalakal ni Jose Pidal?

By Flon Faurillo

Close open nang close open. Ang Banco Filipino na ipinasara na nang dalawang beses sa kasaysayan nito ay bubuksan muli ayon sa pinakabagong utos ng Court of Appeals sa Bangko Sentral.

Huling hirit. Kung sa ibang bansa ay isang araw lang ang pagdiwang ng Valentine’s Day, ibahin nyo ang Pinas. Dito, tatlong araw ang selebrasyon: Pebrero 14 para sa legal at tunay. At Pebrero 13 at 15 para sa “iba pa”.

 

Advertisements

1 thought on “Boksingero na ‘born-again’ – gimik lang? (Abante 02.02)”

  1. …sa huling hirit…meron kayang kinalaman si pnoy na posibleng meron ng date this valentine kaya 3 araw na selebrasyon…nagtatanong lang po?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s