Advertisements

Impeachment hearings – daig pa ang sabong! (Chubibo – Abante 01.27)

Masyadong adik ang mga Pinoy sa politika. Mga appointment nakakaligtaan, at mga mas mahalagang gawain ay napapabayaan. Lahat nito, para lang mapanood ang espadahan ng dila ng defense at prosecution teams sa Corona impeachment proceedings.

At walang tigil ang panglalait. Nang sinabon ni Senate President Enrile si Congressman Tupas ng prosecution team, lalong todo pasiklab naman si Justice Serafin Cuevas ng panig ng defense. Sabi tuloy ng marami: parang laban ng Barangay at LA Lakers. At hindi Barangay Ginebra kundi Barangay 1041 Mayhaligue, Sta. Cruz.

Habang busy sa bangayan sa politika, nakakaligtaan natin na baka wala na tayong pagkain sa mesa sa loob ng sampung taon. Ang dahilan: ang pangkaraniwang edad ng magsasaka ngayon ay 57. At ang mga magsasakang may edad na 35 at pababa ay “endangered species”… sing-dalang ng birhen na babae sa P. Burgos, Makati.

Buti na lang, ilulunsad ngayon ang SagipSaka, ang pagsasanib-pwersa ng Dept. of Agriculture, ang Agri committee ni Sen. Kiko sa Senado, mga ekspertong negosyante, mga institusyong pinansyal at LGUs. Pakay ay bigyang bagong sigla ang pagsasaka at pangingisda. Ito’y sa pamamagitan ng tulong bagong kaalaman, pinansyal at payong asenso para sa mga masipag at pursigido.

Malaking tulak para sa napakahalagang gawaing tinalikuran na ng mga kabataan natin.

Hula who. Nakakalito na ang mga lipatan ng mga artista tungo sa network na kapamilya o kapatid o kapuso.

Balita’y nag-ober da bakod na rin ang kaakit-akit na artistang ito mula sa kampong kapuso.. Pero bago siya kumilos, inisa-isa muna ang kanyang checklist. Bagong suweldo? Check. Bagong ilong. Check. Bagong boobs. Check. Kasado na!

Dibidi, dibidi. Hindi kami nagmamalinis pero parang masagwa ang balitang namataan ang isang presidential adviser na namamakyaw ng pirated DVD – kasama pa ang dalawang bodyguard. Parang masyadong walang paki at lasing sa kapangyarihan ang dating nito sa marami.

"I'm not buying, noh... just passed by..."

Huling hirit. Habang sobrang mahal ng tiket para sa mga concert ng international artists na tumutungong Pinas, ang mga Indonesians naman ay sobrang suwerte. Ang darating na Java Jazz Festival (March 2-4) ay may tiket na nagkakahalaga ng higit-kumulang P5,000. Pero ito’y para sa tatlong araw na pagnood sa dose-dosenang sikat, tulad ni Stevie Wonder, Herbie Hancock, Al Jarreau, Erykah Badu, Swing-out Sisters,  Pat Metheny, Laura Fygi, Ron Carter, Manhattan Transfer. At sobrang dami pa – baka kayo maiyak sa inggit!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: