Advertisements

Uugod-ugod na ang magsasakang Pinoy!

Alam n’yo ba kung ano ang pangkaraniwang edad ng ating mga magsasaka?

Sori. Mali, ang nasa isip nyo.

Ang sagot: 57. Nangangahulugang sa dekadang ito, marami sa kanila ay retirado na.

Samantala, ang mga magsasakang may edad na 35 at pababa ay kasing dalang na ngayon ng babaeng birhen sa kalye P. Burgos, Makati.

Nakakalungkot, pero karamihan sa mga anak-magsasaka ay desididong hindi sundan ang yapak ng mga magulang pagka’t ang kita ay kapiranggot – hindi pa minsan umaabot sa P2,000 kada buwan.

Mas nais pa nilang lumuwas sa Maynila at dito makipagsapalaran. Mas enjoy kasi sa napakaraming gimikan.

Ang nanganganib sa situwasyon na ito ay ang ating hapag-kainan – saan manggagaling ang pagkain para dito?

Para sa pangmatagalang lunas, nagsanib-pwersa ang kalihim ng Agrikultura na si Proceso Alcala, si Sen. Kiko Pangilinan, mga sikat na negosyante at mga eksperto upang maglunsad ng isang kilusan na may layuning gawing muling kaakit-akit – at mas may pakinabang – ang pagsasaka at pangingisda. Ito’y ilulunsad bago matapos ang buwan. Sama sama nating ipagdasal ang tagumpay nito.

••••••••••

Hula who. Isa raw sa miyembro ng prosecution team sa Corona impeachment ay isang bading – pero hindi halata pagka’t brusko ang pananalita at ang dating. Mukhang kontrabida si mama.

••••••••••

Yosi – wala nang lugar sa Pasig City

Pumasa na ang ordinansa sa Pasig City na ipinagbabawal ang pag yosi – kahit na sa mga lugar na pang-publiko. Target ng mga awtoridad ng lungsod na gawing ‘totally smoke-free’ ang buong Pasig sa loob ng dalawang taon.

Ang mangyayari: sa loob ng iyong bahay o opisina ka na lang maaaring mag-sigarilyo.

Kung napakalupit nito sa relasyon mo sa nikotina, buti pa’y magpaalam at lumisan na sa green city ni Mayor Bobby Eusebio.

••••••••••

Huling Hirit. Ang init ng pagtanggap ng Pinas sa bagong kampanya ng Department of Tourism. Pero, wala pang dalawang linggo, tila’y naglaho na ang interes ng bayan. Buti nalang ang mensahe ay sadyang nilikha para sa mga dayuhan at hindi sa madaling-magsawang mga kababayan natin.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: