Tigok ang mga call center natin?

Nakakagambala ang isang panukalang nakabinbin sa US Congress ngayon. Ang ngalan nito: Call Center and Consumers Protection Bill.

Ang anti-outsourcing bill sa US Congress ay masamang balita para sa India at sa Pilipinas

Pakay ay gawing hindi kaakit-akit ang magtayo ng call centers sa labas ng Amerika. Isang paraan para mabigyan ng trabaho ang libu-libong  ‘unemployed’ sa America. Ang daming perwisyo ang idudulot ng panukalang ito sa atin kung sakaling mapasa bilang batas.

Bongga ang Manila CIty Hall. Mahirap hindi humanga dito kay Manila Vice Mayor Isko Moreno. Hindi good time ang inaatupag pag nasa abroad. Pinag-aaralan niya ang kalakaran ng mga LGU sa ibang bansa at ang natututunan ay pinapasalubong sa lungsod. Pasyalan ang City Hall: ang session hall ngayon ay solar-powered na – tipid sa kuryente at moderno ang dating. Pati ang mga kasapi sa city council – hi-tech na… lahat naka Apple desktop computers… kaya paper-less ang trabaho. Eto pa: ang bawat session ay naka- streaming video at mapapanood ninoman sa internet. Lagot ang mga aantok-antok, nangungulangot at… bugok.

Kuryente - gamit ang bisa ng araw

Gustong sumama sa casting? Pusturang-pustura si PNoy nang ipahayag niya sa TV na may mga teroristang nagbabantang guluhin ang nakaraang piyesta ng Quiapo. Naka-isputing na jacket na pang ‘ta-artits’ ang presidente. Pati na rin ang mga kasama niya sa likod, mala-Erap jacket din ang suot – si Executive Sec. Paquito Ochoa at DILG Sec. Jess Robredo. Palagay ko, nabalitaan nilang dumating na ang mga bigating artista ng Hollywood na magsu-shooting sa Pinas ng pelikulang “Bourne Legacy”… at nag-hahanap ng mga Pilipinong isasama sa shooting.

Photo from Yahoo News

Hula who. Si Marian Rivera – taga UP kaya? Kumakalat sa internet ang isang tweet na diumano’y nanggaling sa isang nagngangalang Marian Rivera.

Ang mensahe: congrats @ping medina for standing oblation for asiong salonga. nag standing oblation din daw for panday 2 nung niplay na ung bayang magiliw

Ang gustong malaman ng marami ay… ito ba yung Marian ni DIngdong?

Huling hirit. Umuusok ang balitang may batas palang nagsasaad na libre ang mga senior citizen sa parking fee ng mga mall – kesyo sila ang driver o pasahero lang ng sasakyan. Matutuwa ang kuya kong si Greg na ayaw na ayaw mag-park sa mall. Katuwiran niya, di dapat naniningil para pumarada pagka’t gagastos at maydala naman tayong negosyo para sa mga buwayang mall. Nakikita ko na: hanggang langit ang ngiti ni koyang!

Matutuwa si koyang!
Advertisements

2 thoughts on “Tigok ang mga call center natin?”

  1. I wonder whatever happened to a proposed bill in Congress disallowing the charging of parking fees in malls. Exclusive schools should also not be charging those exhorbitant sticker fees for vehicles of enrolled students just to enter the school campus.

  2. greedy mall owners and rich priests.

    i believe that there should be people’s revolt to end all this thievery – mall parking fees, exorbitant school and village stickers, etc.

    not someday, but, now na.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s