1/3 ng hiwalayan – dahil sa Facebook (Chubibo – Abante 01.06)

Ayon sa mga abogado ng kilalang website na Divorce Online, 1/3 ng diborsyo at paghihiwalay sa mundo ngayon ay dahil sa Facebook.  Papaano naman, dahil sa higit na 700 milyon na subscriber ng Facebook, ito na ang pangunahing paraan para magkaroon ng ugnayan ang mga naghahanap ng bagong iibigin o para sindihan ang mga pag-ibig ng nakaraan.

Babala ng mga abogado: kung may tinatago sa asawa, iwasan ang Facebook pagka’t ito ang pinakamadaling paraan para mabuking. Dahan-dahan lang sa pag “post” ng mga matatamis na mensahe at mga sensitibong larawan para sa iyong nilalandian.

Nanganganib ang call centers.

May bagong panukala sa Kongreso ng Amerika na maaaring patayin ang call center industry natin. Ang pakay ay hintuin ang pagbibigay ng tulong pinansyal, pautang at grants sa mga kumpanyang may call centers sa labas ng Amerika. May multa ring $10,000 kada araw ang mga call center na di-inirereport ang paglipat nila sa ibang bansa.

Sa panukalang ito, ang mga call center operator ay obligado ring banggitin ang kanilang lokasyon. Ang mga tumatawag naman ay may karapatang gumiit na isang taga-Amerika ang umasikao sa kanila.

Ang Pilipinas ngayon ang pumapangalawa sa India sa sektor na ito.

Tiyak na mababahala si Mar Roxas. Siya ang nagpasimuno ng pagtayo ng mga call center sa Pilipinas, ilang taon na ang nakakalipas. Ngayon, ito’y isang industriya na may kontribusyon ng $10 bilyon sa ekonomiya natin.

Magiging busy na naman ang mga starlet na gustong ma-“discover” ng Hollywood. Sisimulan na ang isang buwang shooting ng big budget na pelikulang “Bourne Legacy” at ang mga lokasyong napili ay kinabibilangan ng Intramuros, Ayala Ave., El Nido (Palawan), San Andres market, at Pasay-Taft Rotonda. Asahang magpapatalbugan ang ilang mga starlet natin para mapansin ng sikat na Hollywood actors na darating.

Hula who? Excited na rin siguro itong sikat na TV entertainment reporter sa napipintong Hollywood shooting. Matindi mang-akit ng kaniyang iniinterbyu ang reporter na ito. Pati ang sikat na mga R&B singers, nabibingwit niya. Pero, tapos magpabingwit ng mga VIP… nalilimutan na ata siya.

Huling hirit. Sa City Ordinance 2011-019 ng Makati, bawal na ang mag-iingay nang sobra gamit ang audio devices. Ang mga lalabag ay may multa ng P1,000 o pagkulong ng hindi hihigit sa anim na buwan. Mukhang ang target ni Mayor Jejomar Erwin Binay ay ang nakaka-iritang paggamit ng  videoke at karaoke machines. Goodbye, “My Way”?


Advertisements

3 thoughts on “1/3 ng hiwalayan – dahil sa Facebook (Chubibo – Abante 01.06)”

  1. I specially like the “hling hirit” item. it’s about time to put socks on those sintunado noise makers!!!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s