Chubibo sa Abante (12.30.11)

Ang Pilipinas… No. 1 for Fun?

Minsan, may pakinabang rin ang naka-bihis jeproks. Hindi ka papansinin ng mga bigating naka-barong – kahit katabing-mesa mo sila sa mamahaling restoran.

Ganito ako nakasagap ng matinding tsismis tungkol sa ating tourism industry noong araw ng Pasko.

Hindi kumpirmado, pero i-share ko na rin sa inyo.

Tsismis #1. Bago na ANG may-ari ng PAL. Inalok ito sa isang bigating MVP pero mas masisgasig ANG nagwagi. Syempre, wa-is ANG dating may-ari… hindi sinama ANG Airphil sa usapan.

Tsismis #2. Narinig ko rin ang tropang barong na nilalait ang bagong slogan na inililihim sa atin ng Tourism Department.

“No.1 in fun” o “No. 1 for fun” ata. Hirit ng isa sa grupo na dapat pasalamatan si US Ambassador Thomas dahil siya marahil ang nagtanim ng  ideyang ito sa mga may katha ng slogan.

Magdadala ng saklolo – sumigaw ng “saklolo”.  Ang BRP Pampanga, ang barko na magdadala ng tubig, pagkain, damit, gamot, kumot – at mga kabaong – sa Cagayan de Oro at Iligan ay nasiraan at hindi nakarating sa paroroonan noong Pasko. Nagkaproblema raw ang fuel lines at ngayon ay inaayos para maipagpatuloy ang biyahe.

Panahon nang palitan ang mga barko nating uugod-ugod.  Ang natitirang pakinabang na lang yata ng mga ito ay para kapitan ng talaba… o, pagkakitaan ng kaunti sa magbabakal.

Hula Who?  SInabon nang todo-todo ng lola natin (na kapamilya ng mga may-ari ng istasyon) ang lahat ng sumama at tumulong sa star reporter nang magtungo ito sa isang kilalang isla. Matindi kasi ang galit ni lola sa pag-mimina sa islang ito… at si star reporter naman ay isang taong sabik na malaman ang istorya ng kabilang panig. Syempre, hindi nasabon ang reporter. Bigatin at star ‘ata!

Kahit anong gimik pa ang ilatag, mahirap ibenta ang pelikulang tungkol kay Asiong Salonga.  Kasi naman, kasintanda na ni Erap ang istorya… at ang tanging makaka-relate dito ay mga senior citizen – na karamihan ay libre sa sinehan. (Walang iniwan yan kung noong dekada ’70 o ’80 ay gumawa ng pelikula tungkol sa panahon ng hapon sa Pinas.) Hindi kailangang maging isang Einstein para mahulaan kung ano ang lalangawin sa takilya.

Huling Hirit. Nagtatangkang magsulat ang isang limang taong bata.

Tatay : Ano yang sinusulat mo, iho?

Anak : Love letter sa girl friend ko…

Tatay : Hindi ka naman marunong magsulat ha.

Anak : E, ano… Hindi naman siya marunong magbasa.
Wala ka talagang alam sa pag-ibig, ‘tay 😀 ♥ ♥

Manigong 2012 sa inyong lahat… at sana’y patuloy na maganda ang ikot ng inyong chubibo.

Advertisements

2 thoughts on “Chubibo sa Abante (12.30.11)”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s