Advertisements

Pacman – May Kakaibang “Hotel”

Mukhang tapos na ang tampuhan ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao.

Sa kakatapos lang na birthday ni Pacman, hinandugan ni Jinkee ang kampeon ng kakaibang regalo: isang bagong pinasadyang bus – wag ka, ito’y hindi malaking van o camper – higanteng bus na kumpleto sa lahat ng luho ng kuwarto sa mga first-class hotel. May kama. May banyo pa.

Ganito kaya ka-bongga ang bus ni Pacman?

Ayon kay Jinkee, ito’y naisipan niyang iregalo para makapagpahinga si Manny sa mahabang biyahe mula sa Kongreso hanggang sa bahay nila sa Mamplasan, Laguna. Ang hindi nabanggit ni Jinkee ay kung may mga secret camera sa bus.

(Sorpresa naman ni Pacman kay Jinkee at sa pamilya para sa Pasko… isang yate na nagkakahalagang P25M. May apat na kwarto. Walang-wala!)

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Hula who? Umuusok ang balita na isa sa tatlong namumuno ng (mis)Communications Group ng Malacanang ay ililipat sa PTV 4 upang dito na mamalagi.

Isa pang mahalaga’t makapangyarihang posisyon sa gabinete ay magkakaroon ng bagong boss – para preparasyon sa eleksyon sa 2013.

Kahit sa tsismis pa lang, nagsimula na ang balasahan sa palasyo ni PNoy.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Kung magbibigay din lang – todo n’yo na.  Sampung dahilan kung bakit dapat tumulong nang todo-todo sa mga biktima ng bagyong Sendong.

10. Manhid ka kung hindi nanlambot sa mga larawan ng mga patay na batang nakalublob sa putik

9. Bilang tulong, ibinigay ng ating mga sundalo ang ‘subsistence pay’ nila ng isang araw para sa mga napinsala ng bagyong Sendong – malaking bagay dahil ga-piranggot lang ang kanilang mga suweldo

8. Mas madaling isipin kung magkano ang i-aabuloy kaysa sa pag-aalala kung saan maghahagilap ng kabaong na naubos na sa mga nasalantang lugar

7. Hindi ka ginising ng nagraragasang ilog-tubig at gabundok na putik

6. Bale wala ang polusyon sa Metro Manila kung ihahambing sa amoy ng kamatayan na ngayo’y bumabalot sa mga lugar na  nasalanta

5. Ngayong araw, mahahalikan at makapag-papaalam ka sa inyong pamilya bago umalis patungong trabaho. Ito’y pagkakataong hindi naranasan ng mga namatay sa Cagayan de Oro at Iligan

4. Papaano kaya kung ito’y nangyari sa inyong pamilya

3. Hindi naman araw-araw na ikaw ay pinapakiusapan

2. Masarap ang pakiramdam ng nakakatulong sa mga walang-wala

1. Ang diwa ng Pasko ay ang pagbibigay… kaibahan lang ngayon ay… todo-todo ang dapat nating ibigay sa mga kawawang kababayan nating napinsala sa Hilagang Mindanaw

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

Huling hirit. Sana ngayong Pasko, at sa mga araw na darating, nasa ibabaw kayo ng chubibo ng buhay. Maligayang Pasko sa inyong lahat!

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s


%d bloggers like this: